Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Caloocan chairman dedo sa tandem ( 2 pa sugatan)

PATAY ang isang barangay tserman, nang pagbabarilin  ng hindi nakilalang riding in tandem, sa Caloocan City, iniulat kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital,  sa Tala Estate, ang biktimang si Brgy. 183 Chairman Pedro Ramirez, 57-anyos, residente  ng Guadonville Subdivision, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isang manhunt operation ang ipinag-utos ni S/Supt. Bernard Tambaoan, hepe ng Caloocan City Police,  laban sa dalawang suspek na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Renen Malonzo, may hawak ng kaso, dakong 7:45  ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Gate 2  ng Amparo Subdivision, harap ng  Amparo Hardware and Construction Supply, Quirino Highway.

Nakatayo umano ang biktima sa Gate  2 ng subdibisyon  nang dumating ang motorsiklo sakay ang dalawang suspek saka pinagbabaril  ang  barangay chairman.

Iniulat na sugatan din sina alyas Capt. Boy Buko  ng Barangay 163 at Barangay 187 Kagawad Louie Banzon.

Ang tatlong biktima ay kilalang malapit kay Rep. Recom Echiverri.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …