MUKHANG umaandar na ang makinarya ng isang makapangyarihang partido ngayon pa lamang at sa unang bugso ng arangkada, ang ace broadcaster at commentator ng TV 5 na si Erwin Tulfo ang tinamaan.
Sa banner ng pahayagang PDI, malisyosong isinangkot si Tulfo, nakababatang kapatid ng beteranong newspaperman na si Ramon Tulfo sa anomalya sa PDAF sangkot ang pondo ng National Agribusiness Corporation.
Inakusahan si Erwin na tumatanggap ng payola mula sa NABCOR na agad pinasinungalingan ng batikang broadcaster.
Sa ilang dekada natin sa media, kapado na natin ang isang istorya kung ‘koryente’ lamang o kung may katotohanan?
O kung sinulat man ito na may nakatagong lihim na agenda.
Sa kaso ni Erwin Tulfo na isa sa mga pangunahing talent ng TV5 at Radyo 5, malaking bagay sa kanyang libo-libong tagasubaybay kung masisira ang kanyang pangalan sa mga ganitong black propaganda.
Kung masisira ang isang Erwin Tulfo na kilalang matapang na mamamahayag, para na rin sinira ang sino mang indibidwal na kanyang i-endorse sa darating na 2016 presidential derby.
Sa kaso ni Tulfo, sasala ang sandok sa palayok pero hindi ang pagtakbo ng kanyang Big Boss na si Manny Pangilinan, may-ari ng TV5 na sigurado namang susuportahan ng nasabing broadcaster.
Maugong ang mga sitsit na si MVP ang tandem ni Vice President Jojo Binay bilang kanyang running mate sa 2016 presidential elections.
Ang tiyak na makakabangga ng boss ni Erwin ay sina DILG Sec. Mar Roxas ng ruling Liberal Party at kung sinong Herodes na mapipiling running para bise presidente.
Putting things together, parang may kamay na kumukumpas para isangkot ang media practitioners na sa pakiramdam ng Liberal Party ay kanilang kalaban at isa na nga si Erwin Tulfo.
Sino ba ang nagdidiin kay Tulfo kundi mga opisyales ng NABCOR na alam naman nating hanggang ngayon ay pasuweldo at empleyado pa rin ng Aquino administration. Gasino na lamang na diktahan sila sa mga pangalan ng mga mediaman na gusto nilang isangkot sa PDAF scam.
Considering na halos desperado si Roxas at ang LP dahil hindi umaangat sa ratings ang DILG Secretary sa mga wannabees na maging pangulo sa 2016.
Wala naman ibang LP member ang puwedeng ilahok sa presidential race except Roxas na tiyak na rin na i-endorse ng outgoing President na si PNoy.
Dito hindi makapapayag ang Liberal Party, kailangan magpatuloy ang kanilang reign sa pamahalaan come what may. Dead serious sila na manatili sa poder beyond 2016.
Kung ganitong “they will move mountains” to carry out their plans, kasama na rito marahil ang pagbuwag at pagsira sa kredibilidad ng ilang media practitioners na tatayong PR men ng Binay-Pangilinan duo.
Isa na nga sa palagay ng LP ay si Erwin at mga kapatid niya.
Kulang na lamang sabihin na nangangatog ang yagbols ng operators ng LP sa team ni Binay at Pangilinan.
Going back to Erwin Tulfo, hindi naman siguro bobo ‘yung mama na mag-iiwan ng paper trail kung talagang patong siya o pasok sa sinasabing PAYOLA sa NABCOR!
Kaya lamang may mga dokumentong naipresinta dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na kabayaran ito ngNABCOR sa radio airtime ni Tulfo bilang advertising expenses.
NO MORE, NO LESS!
Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM, mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]
Rex Cayanong