Monday , December 23 2024

Ama, utol sinaksak ng kadebate (Sa debateng mangga mamumunga ng malunggay)

VIGAN CITY – Mainitang pagtatalo kung ‘mamumunga ang mangga ng malunggay’ ang dahilan ng pana-naksak ng isang lalaki sa kanyang ama at kapatid sa Brgy. Puro, Magsingal, Ilocos Sur.

Kinilala ang mag-amang biktima na sina Nemesio Tabigne, at Marcelino Tabigne.

Habang nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Jimmy Tabigne, anak din ni Nemesio.

Ayon sa imbestigas-yon ng Magsingal-Philippine National Police, nag-iinoman ang grupo ni Nemesio at Marcelino sa isang mesa habang sa ibang mesa ang grupo ni Jimmy.

Habang nag-iinoman, narinig ng ama ang debate ng grupo ng anak na si Jimmy ukol sa pamumunga ng malunggay ng mangga kaya lumapit siya saka nagtanong kung totoo ito.

Nainis ang anak kaya sinaksak ng dalawang beses ang kanyang ama.

Nang sumaklolo si Marcelino, sinaksak din siya ng suspek na kanyang kapatid.

Kapwa kritikal ang ka-lagayan ng mag-ama sa Gabriela Silang General Hospital. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *