Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lea, nakapag-record na Dyesebel theme song!

ni  Maricris Valdez Nicasio

BONGGA talaga ang Dyesebel ni Anne Curtis. Bukod kasi sa napakagandang buntot na ginagamit ng aktres at lugar na pinaglalanguyan nila (Coron, Palawan), bongga rin ang kakanta ng theme song nito.

Naibalita na namin kamakailan na si Lea Salonga ang kakanta ng theme song ng Dyesebel bukod pa sa inawit ni Yeng Constantino.

Last Friday, March 21, naganap na ang recording ng Tony awardee at Broadway Diva para nga sa theme song na may titulong Ang Tangi Kong Kailangan. Orihinal na komposisyon ito nina Francis at Carla Concio.

At pagkatapos na pagkatapos makapag-record ni Lea, agad namang isinunod ang music video shoot kaya tiyak na mapapanood na ito soon handog ng Dreamscape Entertainment Television ng ABS-CBN2.

Ayon kay Eric John Salut, Publicity manager ng Dreamscape, ito ang unang pagkakataon na nag-record si Lea ng theme song para sa isang Philippine teleserye. Kaya naman malaking karangalan ito para sa bumubuo ng Dreamscape gayundin sa ABS-CBN2.

Kaya abangan na lang natin ang bonggang launching ng OST ng Dyesebel!

Sa kabilang banda, muling nagwagi sa ratings game ang Dyesebel noong March 20. Ayon sa datos ng Kantar Media, may 33.1 percent ang ratings ng teleserye ni Anne Curtis, samantalang ang katapat nitong programa sa GMA7 na Kambal Sirena ay nakakuha lamang ng 18.9.

Wagi rin ang Ikaw Lamang nina Coco Martin, Kim Chiu, Jake Cuenca, at Julia Montes na mayroong 29.3 percent ratings laban sa Carmela ni Marian Rivera na mayroon lamang 19.8 percent.

Talagang kahit anong gawing langoy ng Kambal Sirena at pagpapaganda ni Carmela, wala itong binatbat sa Dyesebel at Ikaw Lamang!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …