Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, mas maganda pa sa mga kandidata sa Bb. Pilipinas 2014

ni Danny Vibas

ALAM n’yo bang mas maganda pa si Julia Barreto kaysa mas maraming kandidata sa Bb. Pilipinas 2014?

“Pumarada” sa harap namin ang mga kandidata noong gabing kagagaling lang namin sa press conference ng Mira Bella na nagtatampok sa anak nina Marjorie Barreto at Dennis Padilla. Wow, ang papayat nila! At ang daming matatangkad.

At lahat sila ay naka-false eyelashes. Mukha silang mga bading dahil sa false eyelashes nila. Mukhang mga impersonator na magpe-perform sa perya! Ang dami sa kanila na ang tutulis ng mga baba. Mga babalina! Mga tulisan!

Naka-quotation marks ang “parada” dahil hindi naman talaga ‘yon ang ginagawa nila noong gabing natiyempuhan namin nila na paisa-isang lumalabas sa ABS-CBN compound, at sumasakay sa isang mahabang bus na maghahatid sa kanila sa kung saan man.

Ang katoto sa panulat na si Wendell Alvarez ang kasama namin. Naisipan naming magyosi muna roon sa gate sa harap ng Gerry’s Grill. Actually, pagdating namin sa gate ay naroon na ang bus na may nakapintang Bb. Pilipinas 2014, at maya-maya nga ay paisa-isa nang rumarampa sa harapp namin ang mga kandidata.

Kulang man sila sa ganda, sweet naman sila. Tuwing may dumaraan, tinatanong sila ni Wendell kung anong lugar ang iniri-represent nila. Sweet na sweet namang sumasagot ang mga babaeng may mga fake na pilikmata.

Dahil sa ganda ng mukha ni Julia, hindi namin napansin kung fake rin ang mga pilikmata n’ya noong presscon na ‘yon sa Food Court Garden ng ELJCC building ng ABS-CBN. Actually, parang beauty queen night talaga ang gabing ‘yon. Nasa cast din ng Mira Bella ang Miss Universe na si Gloria Diaz at ang Bb. Pilipinas Tourism na si Liza Diño. And, as far as we are concerned, pam-beauty queen din ang ganda nina Mylene Dizon at Myka de la Cruz na kabilang din sa cast.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …