Friday , November 22 2024

JASIG claim ng NDF kalokohan — Chief nego

032514_FRONT
NANINDIGAN ang gobyerno na hindi saklaw ng 1995 Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) sina Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) chairman Benito Tiamzon at misis niyang si Wilma Austria.

Sinabi ni government chief negotiator Alexander Padilla, hindi maaaring i-invoke ng National Democratic Front (NDF) ang JASIG para palayain ang mga Tiamzon na naaresto sa mga kasong frustrated murder at murder sa Regional Trial Court Branch 31 sa Laoang, Northern Samar.

Ayon kay Padilla, kalokohan ang claim ng NDF dahil nangangahulugan itong maaari silang maglunsad ng giyera at kung maaresto, igigiit ang JASIG para makalaya at magsilbing proteksyon.

Una nang iginiit ni NDF chief negotiator Luis Jalandoni na dapat palayain ang mag-asawa dahil ang pananatiling pagkakukulong ng dalawa ay makasisira sa peace process.

“You will recall we had a verification procedure done last July 2011 where through no fault of the government, the NDF failed to open their own files, thus making Jasig inoperative with regards those using aliases and not directly involved in the peace process,” ani Padilla.

Si Tiamzon ay may patong sa ulo na P5.6 million.
HATAW News Team

TIAMZONS ET AL INQUESTED NA

NA-INQUEST na sa Campo Crame ang mag-asawang top NPA leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon kasunod ng pagsasampa ng panibagong kaso laban sa dalawa at sa lima pa nilang mga kasamahan.

Naaresto ang grupo nina Tiamzon sa Alonguisan, Cebu nitong Sabado ng hapon makaraan ang mahigit dalawang buwan na surveillance at monitoring.

Kasong illegal possession of firearms ang panibagong kaso na isasampa laban sa naarestong NPA leaders at members.

Kasalukuyang nakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang naarestong sina Benito at Wilma Tiamzon at ang kanilang limang kasamahan.

Nabatid na dahil ikinokonsiderang “high risk personalities” ang mga naaresto, napagdesisyonan na hindi na sila dalhin sa DoJ at sa multi-purpose hall ng kampo na lamang isinagawa ang inquest proceedings.

Plunderers, tax evaders, smugglers,
HR VIOLATORS LUSOT HULING TOP CPP LEADERS IPINAGMALAKI NI PNOY

KINONDENA ng National Democratic Front of the Philippines ang pagkaaresto sa NDFP consultants na sina Benito at Wilma Tiamzon, gayundin ang kanilang mga kasama.

Iginiit ng grupo ang agarang unconditional na pagpapalaya sa mag-asawa at kanilang mga kasama.

Kasabay nito, binigyang-diin ng grupo, bago naaresto ang mag-asawa at kanilang mga kasama, ipinagmalaki ni Pangulong Benigno Aquino III na may “high-profile fugitive” na nakatakdang arestuhin.

“Aquino clearly knew of the surveillance operations leading to the Tiamzons’ arrest, as shown by his announcement, made a few days before the arrest, that a ‘high-profile fugitive’ will be arrested,” ayon sa grupo.

Iginiit ng grupo na ang mag-asawang Tiamzon ay mga consultant sa peace talks sa gobyerno kaya dapat ang NDFP ay “immune” sa pagkaaresto at pagkakakulong alinsunod sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

“Their arrest clearly shows that the Aquino government is destroying the peace talks and is not interested in seeking a peaceful resolution to the ongoing armed conflict between the GPH and the NPA through the said talks,” diin pa nila.

“It is disgusting that Aquino was referring to the Tiamzons when he made the announcement, given his government’s failure to arrest and imprison top human-rights violators, plunderers, smugglers, tax evaders, and other high criminals. Human-rights violator and former general Jovito Palparan could not be happier with the Tiamzons’ arrest,” dagdag pa ng grupo.

Kinokondena rin ng grupo ang gobyernong Aquino sa paghahain ng multiple murder at frustrated murder charges laban sa mag-asawa. Anila, ito ay paglabag sa Hernandez Doctrine, nagsasaad na ang krimen na naganap habang may rebelyon ay dapat

“subsumed by rebellion charges.”

Sa pagkakaarestosa mag-asawang Tiamzon
‘BUSINESS AS USUAL’ PARA SA NPA

SA kabila ng pagkakaaresto ng dalawa sa pangunahing lider ng National Democratic Front Communist Party of the Philippines (NDF-CPP), ‘business as usual’ pa rin sa militar ang mga rebeldeng komunista sa bansa.

Napag-alaman sa Tapatan sa Aristocrat media forum, ipinunto ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Lt. Col. Ramon Zagala na malaking puntos para sa pamahalaan ang pagkakadampot kina Benito at maybahay na si Wilma Tiamzon.

Una rito, inilarawan ni presidential spokesman Edwin Lacierda ang pagkaresto sa mag-asawang Tiamzon bilang malaking tagumpay laban sa pamunuan ng mga komunista.

Idinagdag ni Lacierda handa ang pamahalaan na harapin ang anomang magiging aksyon mula sa New People’s Army (NPA).

“Alam din naman namin ang mga posibilidad at handa kaming protektahan ang mamamayan, ang ating populasyon, dahil laging handa ang Sandatahang Lakas para depensahan sila,” aniya.

Sa kabila din nito, sinabi rin ni Zagala para mawakasan ang himagsikan, kailangan bilisan ng pamahalaan ang pagsasagawa ng mga programang pangkabuhayan at kaunlaran sa mga lugar na pinamumugaran ng mga NPA para maresolba ang problema sa pinaka-ugat nito.

Sinuportahan ito ni Commission on Human Rights chair Etta Rosales na nagsabing kailangan din solusyonan ang tinagurian niyang ‘dysfunction’ sa pagpapatupad ng mga polisiya na may kaugnayan sa peace talks sa mga rebeldeng komunista at gayon din sa mga Muslim separatist.

Sinabi ni presidential peace adviser Teresita Deles na kahit pa nagkaroon ng mas magandang posisyon ngayon ang pamahalaan sa pagkakaaresto sa mag-asawang Tiamzon, nananatiling bukas pa rin para sa usapang pangkayapaan.

“Sa pagkakaaresto kina Benito at Wilma Tiamzon, hindi pa rin nagbabago ang paninindigan ng pamahalaan sa negosasyon para sa kapayapaan,” diin.

(Tracy Cabrera)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *