Saturday , November 23 2024

Tulfo handang humarap sa DoJ at Senado (Sa oras na ipatawag…)

Nakahandang humarap sa Department of Justice (DoJ), Senado at Ombudsman ang broadcast journalist na si Erwin Tulfo sa oras na ipatawag para ibigay ang kanyang panig sa napabalitang tumanggap ng suhol mula sa National Agri-Business Corp. (NABCOR) na galing umano sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ayon kay Atty. Nelson Borja, abogado ni Tulfo, willing na humarap ang kanyang kliyente sa anumang investigating body sa lalong madaling panahon para lumabas ang katotohanan kung tumanggap nga ba siya ng suhol o ito ay bayad para sa isang radio advertisement.

“Gusto pa nga ni Erwin na magharap-harap sila nina Rhodora Mendoza at Vic Cacal ng NABCOR sa senado o DoJ para malaman kung sino ang nagsasabi nang totoo,” ani Atty. Borja.

Paliwanag ng abogado may CD ng commercial at income tax withholding form na hawak ang kanilang kampo na magpa-patunay na lehitimo ang tseke bilang bayad sa radio advertisement ng Department of Agriculture (DA) noon at hindi ito suhol.

Unang lumabas sa isang broadsheet na  itinuro nina Mendoza at Cacal si Tulfo at ang isa pang broadkaster na si Melo Del Prado na tumanggap umano ng suhol pero ipinalabas na bayad para sa isang advertisement. Ang sinasabing halaga ay P245,000 sa pamamagitan ng isang tseke ng UCPB at na-encash sa Ortigas noong 2009.

“Actually, P250,000 ‘yung presyo ng radio commercial for a 30-second spot everyday for one month. Naging P245 thousand plus na lang dahil binawasan ng withholding tax sa BIR. May suhol ba na binabawasan ng buwis?” dagdag ni Borja.

Naniniwala si Borja, sa pamamagitan ng mga investigating body ay lalabas ang katotohanan dahil mare-review nila ang lahat ng mga ebidensiyang ipipresinta ng kanilang kampo.

Dagdag ni Borja, dapat ay maipaliwanag nina Mendoza at Cacal  sa investigating body kung bakit nila nasabi na ang nasabing tseke ay suhol na pinalabas lang na ba-yad para sa isang lehitimong commercial o advertisement. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *