Monday , December 23 2024

Tiangco for senator!

Kung ako si VP Jojo Binay ay isasama ko sa kanyang senatorial line-up si Navotas Rep. Toby Tiagco dahil buo ang loob nito sa pakikipaglaban sa mga kabulukan ng kasalukuyang gobyerno.

Ito ang dapat irekonsidera ni Binay dahil ang kailangan ng bansa ngayon ay isang taong may paninindigan para sa katotohanan at matinong pamamalakad sa pamahalaan.

Hindi birong sakripisyo ang tiyak na ginagawa at dinaranas ngayon ni Mang Toby dahil ang pagbanat niya sa kasalukuyang liderato lalo’t higit sa mga galamay nito ay kasingkahulugan na rin ng pagkawala ng ayuda ng nasyonal na pamahalaan sa kanyang nasasakupan.

Mabuti na nga lamang ay naririyan ang kanyang utol na si Mayor John Rey Tiangco na may sariling pondong pinaghuhugutan dahiul kung hindi ay tiyak na mangangamote sila sa paglilingkod sa mga Navoteno.

Kung pagkapanalo naman ang pag-uusapan sa paglaban ni Toby Tiangco sa Senado ay mukhang may lamang ito kaysa sa ibang kandidatong sinasabi at nag-aapplay kay Binay dahil maganda ang exposure ng kinatawan ng Navotas sa publiko.

Halos araw-araw ay laman si Toby ng mga pahayagan, internet , pinakikinggan sa radyo at pinanonood sa telebisyon  kaya’t kung bentahe ang pinag-uusapan ay lamang na rito si Tiagco.

Bagaman maliit ang Navotas ay nakuha niyang gumawa ng pangalan sa bansa at dito dapat siyang hangaan dahil ang pagsama ni Binay kay Toby sa kanyang line-up ay isang malinaw na pagpapahiwatig na may puwang ang isang hindi trapo na makapaglingkod sa gobyerno.

Marami diyan na “trying hard” na pulitiko na maging senador pero mukhang wala itong patutunguhan dahil ang kanilang istilo ay bulok at hindi kagat ng masang mamboboto.

‘Yan ang dapat irekonsidera ni Binay hanggat maaga dahil ang pagsama ni Toby sa linya ng oposisyon ay isang manipestasyon na may puwang ang mga bagong pangalan sa pulitika.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *