Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging hard-working ni Julia, puring-puri ni Pokwang

ni  Maricris Valdez Nicasio

PURING-PURI ni Pokwang  ang pagiging hard working ni Julia Barretto. Kasama si Pokwang sa launching fantaserye ni Julia, ang Mira Bella na mapapanood na ngayong hapon sa ABS-CBN2.

Ayon kay Pokwang, ”si Julia, napakasipag na bata at nakikita namin na willing siyang matuto. Sinabi nga niya na hindi siya kasing-perfect na artista na tulad ng mga tiyahin niya. Pero nakikita namin sa kanya na nagpupursige talaga siya and she’s willing to learn more.”

Excited din ang magaling na komedyana dahil kasama siya sa Mira Bella. Matagal-tagal na rin kasi ang unang ginawa ni Pokwang na fantasy series, ang Aryana ni Ella Cruz na gumanap din siyang ina ng batang aktres. Sa Mira Bella, siya rin ang gaganap na ina ni Julia.

Samantala, inamin ni Pokwang na hindi pa siya handang pumasok sa isang seryosong relasyon dahil sa naging palpak niyang relasyon noon. Kaya naman ang kanyang anak na lamang ang kanyang prioridad sa kasalukuyan. Kumbaga, work na lang siya ng work para mapatapos ang anak.

Sa kabilang banda, iinog ang kuwento ng Mira Bella sa buhay ni Mira (Julia), ang dalagitang nagmana ng sumpa na magkaroon ng balat na tulad ng isang kahoy.

Sa kabila ng panghuhusga at pang-aalipusta ng karamihan, naniniwala pa rin si Mira sa likas na kabutihan ng tao dahil sa ipinadarama sa kanyang pagmamahal ng mga umampon sa kanya na sina Osang (Pokwang) at Paeng (John ‘Sweet’ Lapus).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …