ni Reggee Bonoan
Samantala, natanong ang aktor kung ano ang masasabi niya kay Meg at kung desirable para sa kanya.
“More on personality po kasi para sa akin ang desirable, very desirable si Meg, virginal sexy, malaking factor ‘yung innocence niya, para sa akin sexy,” say ng aktor.
Tinukso tuloy siya na kahawig daw kasi ng ex-girlfriend niyang si Danita Paner bagay na inamin naman ni JC sabay ngiti.
At tungkol sa love scenes ni JC sa dalawang bidang babae, ”we have a lot of sensual scenes with Meg and Ellen. Hindi siya seksing-seksi tulad ng napapanood ninyo sa movie. Maraming makikitang passion love scenes.”
Hindi pa raw nakukunan ang love scene nina JC at Meg pero nakunan na raw silang topless pareho.
“Topless po, naka-underwear si Meg, ako naka-boxer, nagkukuwentuhan, normal lang, (sabi ko) kamusta ka na Meg, malamig ba? Walang love scene pa, may kaunting kiss palang,” natatawang kuwento ng aktor.