Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magnanakaw na politiko ‘wag iboto – Miriam (Payo sa kabataan)

“BE angry at these politicians who stole the taxes you and your parents pay. When you reach the voting age, which is 18, do not vote for them.”

Ito ang payo ni Sen. Miriam Santiago sa mga estudyante na nagsipagtapos sa high school department ng Rogationist College, Silang, Cavite nitong Sabado.

Sa halip aniya ay ipahiya ang mga politiko sa pamamagitan ng pagkampanya sa Facebook, Twitter, o Tumblr.

I-post aniya sa social media ang mga kabiguan at reklamo ng mga estud-yante sa politicians’ walls.  “Tweet them your disappointments.”

“Eventually, these politicians will shed their thick hides because of…  shame, and reveal themselves to be spineless pathetic creatures,” saad pa ng senadora.

Hinikayat din niya na maging lider ang kabataan sa kanilang mga komunidad.

“Organize other young people, and create policies or plans that you want to see in your barangay or city. You can also call radio stations or the local TV channel to air your grie-vances. You can also start letter writing campaigns and distributing information packages to officials and the media,” ani Santiago.

Hinikayat din ng solon ang mga magulang at guro na himokin ang kabataan na makilahok sa political process.

“The more opportunities a young person has for meaningful participation, the more experienced and competent he or she becomes,” aniya pa.

(LANI CUNANAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …