Blessed is the man who perseveres under trial, because when he has stood the test, he will receive he crown of life that God has promised to those who love him. —James 1: 12
NUKNUKAN nang sinungaling ang talunang kandidato na si Rafael “Che” Borromeo ang “hepe” ng Department of Public Services (DPS) sa pagsasabing wala siyang nalalaman sa naganap na pambubugbog sa aking kagawad na si Robert at sa aking tanod na si Roger noong Enero a-20 sa Lions Road, Arroceros.
Hindi ko alam kung saan ba nanghihiram ng kapal ng mukha si Borromeo at ang Bff niyang si Fernando Lugo ng DPS-District III.
Kapwa denial king ang mga hunghang!
***
KUNG walang ‘connection’ si Che sa DPS, bakit ikaw pa ang nakikitang nagmamando at nagpapatawag ng meeting sa mga tauhan ng DPS.
Kung wala kang kinalaman sa operasyon ng DPS, bakit umeepal ka sa mga clearing operation sa mga vendors sa Divisoria.
How true at nabugbog ka sa ka-epalan mo? Buti ngaaa!
***
GAYA ni Che, kung may Hari ng kasinungalingan, si Luga este Lugo naman ang Prinsipe ng mga sinungaling nang panumpaan nito ang kanyang counter affidavit sa tanggapan ni Fiscal Roy A Cabatuando na umano’y under influence of liquor sina Kag Robert at Tanod na si Roger nang mangyari ang kaguluhan.
Sina Kag. Robert at Roger na ang nagulpi at kinuyog sila pa ang binaligtad ng mga hunghang na ito. Taliwas sa kanyang pahayag, kaagad nagpa-medical ang dalawa ko tauhan sa Philippine General Hospital (PGH) noong Enero a-20 at nagpa-blotter sa pulisya. Samantalang ang kanyang tauhan na si Jamil Ladayo ay nagpa-blotter sa pulisya kinabukasan pa ng Enero 21.
Ngayon, sino ang naglulubid ng kasinungalingan?!
ACCESSORY TO THE CRIME
SIMPLE lang naman ang itatanong natin kina Che at Lugo, ano ba ang ginawa ninyo nang bugbugin ng mga tauhan n’yo sina Kag Robert at Roger?
Hindi ba’t imbes na pumagitna ay sinabihan pang walang kaga-kagawad sa amin. Tinutukan pa ng baril at hinabol n’yo pa ang aking mga tauhan.
Hindi lang conspiracy, kundi accessory to the crime!
***
SA totoo lang mga Kabarangay, matapos maganap ang insidente ng pagkuyog sa aking barangay Kagawad at tanod na sumaklolo lamang sa tawag ng isang constituents na tinamaan sa mga inihambalang nilang bakal sa daan, may isang lawyer mula sa DPS office ang lumapit sa inyong lingkod at nakiusap na pag-usapan na lamang ang nangyari.
Payag naman tayo upang hindi na umabot sa anumang malaking problema, eh ang kaso sila pa ang nagmamatapang, sila pa ang nagbaligtad ng kuwento, tapos sila pa ang ganang magreklamo sa Manila Barangay Bureau (MBB).
Pero ‘yun pala, sila rin ang naduwag satin! Pweee!
‘HINDI LAHAT NG HOUSE PARENTS, PASAWAY’
PAGLILINAW lang naman mga Kabarangay, hindi natin nilalahat ang mga house parents na nanakit ng kanilang mga alagang bata sa Manila’s Boystown sa Parang, Marikina na pagmamay-ari ng Manila City Government.
Isang alyas Manang Yoly lamang ang sinasabing nananakit ng mga special child sa boystown kapag hindi sumunod sa kanyang pinag-uutos gaya ng pagtatapon ng gabundok na basura, ihi sa arinola at iba pa na imbes na siyang gawain ng isang house parent. Sa kabila nito purihin naman natin ang mga house parents na matiisin at pasensyoso sa kanilang mga alaga.
***
KAY Pangulong Erap dapat bigyang pansin niya ito, tyagain niyang dumalaw sa nasabing institusyon, upang malaman ang tunay na kalagayan ng mga house parents, employees, mga bata at senior citizens.
Teka, malapit na pala ang birthday ni Pangulong Erap, (Abril 19), may I suggest, why not celebrate your birthday with people in boystown?
Nice idea, hindi po ba?
NATUTULOG SA PANSITAN
NA PCP STATION
GRABE na pala ang nagaganap na snatching, salisi at iba pang petty crimes sa area ng Carriedo, Quiapo at Sta. Cruz.
Nagkalat ang mga ito lalo na nitong Biyernes (Marso 21), kung saan Nazareno day sa Quiapo Church. Hindi ko maintindihan kung saan marami tao ay saka naman wala kang makitang pulis sa kalye. “Yun pala nagkakakuyakoy lamang sa loob ng PCP Plaza Miranda.
Aysus! natutulog ba sila sa pancitan!
***
HALIMBAWA sa kahabaan ng Carriedo mula sa Avenida, patungo sa Quiapo Church, sumbong sa atin walang patid ang pandurukot ng dalawang babae at isang bakla sa mga matitipuhang biktima. Karaniwang biktma nila ay mga nagtutungo sa simbahan na nakikipagsiksikan sa paglalakad.
Kilala sila ng mga vendors sa Carriedo, pero hindi sila sinasaway. Ang kanilang tambayan ay ang ilalim ng LRT Carriedo sa Isetan, Greenwich katabi ng SM at sa masikip na bahagi ng KFC ilang metro lamang ang layo sa simbahan.
***
GUSTONG magsumbong ng ating Kabarangay sa pulisya upang maaktuhan ang mga mandurukot na, pero wala siyang makitang pulis sa paligid.
Susme, MPD General Rolando Asuncion, what happen to your men? Simple lang naman kasi ang analisa dito, kapag wala ang pusa, naglalaro ang daga.
Pusang gala, nasaan ang mga pulis mo General?!
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chiarwoman Ligaya V. Santos