Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaye, may respeto kay Chito kaya never pinanood ang sex video

ni  Alex Datu

INAMIN ni Kaye Abad na hanggang isinusulat namin ito ay hindi pa niya napanood ang kontrobersiyal na sex video ng kanyang ex na si Chito Miranda ng  Parokya Ni Edgar at Neri Naig.

“Ahhh, hindi ko kayang panoorin kasi ex ko si Chito. So, ‘yung respeto, awkward eh. ‘Yung respeto sa babae na rin at magkaibigan kami ngayon. Kaya, ayaw ko itong panoorin.”

Hanga kami sa katapangan ng aktres sa pagsagot ng mga maiinit na katanungang ibinabato sa kanya. ‘Ika nga, no-holds-barred ito sa pagsagot. No trace of bitterness ang mahahalata sa mukha nito lalo na sa pag-amin na walang nagbago sa kanyang pagtingin sa ex BF.

“Hindi, talaga. Kasi normal namang ginagawa ng mag-boyfriend-girlfriend ‘yun eh, ‘di ba? ‘Yun lang, nag-leak lang talaga.”

Nabaling ang usapan kay Neri at inamin nitong hindi sila close pero nagkita sila minsan at nasundan ito noong lumabas ang video. Nag-text daw siya kaya Chito para kumustahin si Neri dahil babae ito kaya tiyak na sobrang nasaktan sa kontrobersiya.

Inamin ni Kaye na kung siya ang nasa kalagayan ni Neri ay maaapektuhan siya. ”Oo, hmmmp, maapektuhan siguro ako for a while kasi talagang masakit ‘yung nangyari. Pero lilipas din naman ‘yun ‘di ba? Natabunan na nga ng Wally (Bayola sex video scandal), kuma-kalma na sila so…”

Inamin nitong natuwa siya kay Neri dahil matapang itong tao at kinaya ang kontrobersiya. Katunayan, may ginagawa na itong teleserye. ”So, bilib ako talaga sa kanya. Kung ako ‘yun ahhhs, pag-aaralan ko muna kung paano gagawin bago ko isipin.”!

Zanjoe, kulang pa ang kinita sa Annaliza para pakasalan si Bea

SAMANTALA, inamin naman ni Zanjoe Marudo na sa sampung buwang itinakbo ng Annaliza sa ere ay kulang pa ang kinita niya para pakasalan si Bea Alonzo. Gusto raw nito ay milyones ang kikitain para matiyak na mabibigyan niya ng magandang kinabukasan ang magiging pamilya nilang dalawa.

“Wala kulang ang kinita ko. Tama lang ito sa mga kapritso namin. Kaya matagal pa siguro kaming magpapakasal.”

Isinabay sa nasabing farewell presscon ng Annaliza ang suprise birthday party para kay Andrea Brillantes, who turned 11 last March 12 at bilang regalo na rin sa kanya, makakasama siya sa bagong teleserye na bida sina Piolo Pascual at Iza Calzado. Makakasama rin niya rito sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat sa Hawak-Kamay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …