Saturday , November 23 2024

Joma dinedma ng Palasyo (Sa pag-aresto sa top CPP leaders)

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Palasyo ang pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na hindi mapipilay ang rebolusyonaryong kilusan bunsod nang pagkadakip sa matataas na lider na mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

“ Well, that is his statement, and certainly they will have to issue a statement to say their position and we’ll leave it at that,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Naniniwala aniya ang Malacanang na malaki ang magiging epekto sa CPP at New People’s Army (NPA) nang pagkaaresto sa mag-asawang Tiamzon at nakahanda rin ang tropa ng pamahalaan sa posibleng pagbwelta ng mga rebeldeng komunista.

Iginiit ni Lacierda na walang bisa at hindi sakop ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ang mag-asawang Tiamzon dahil hindi nabuksan ng mga kinatawan ng National Democratic Front (NDF) ang files na nagtataglay ng mga pangalan ng mga lider-komunistang kasali sa peace talks at saklaw ng safe conduct pass.

Sa kalatas ni Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Teresita Deles, sinabi niyang kalokohan na igiit ng NDF ang JASIG protection kapag may nadakip na lider-komunista dahil nangangahulugan ito na pwede silang magsulong ng digmaan at karahasan laban sa gobyerno at kapag nahuli ay igigiit na sakop sila ng JASIG at inaasahang palalayain.

Mahigit isang taon na rin aniyang hindi umuusad ang negosasyong pangkapayapaan at habang bukas ang pamahalaan sa pagbuhay sa peace talks, ay nanawagan ang CPP sa pagpapabagsak sa administrasyong Aquino at hihintayin na lang ang susunod na gobyerno bago bumalik sa pakikipag-usap sa pamahalaan.

Hinikayat ni Lacierda ang mga kasapi ng CPP-NPA na isuko na ang kanilang mga armas, abandonahin ang armadong pakikibaka at magbalik-loob na sa pamahalaan.

Nadakip ng awtoridad ang mag-asawang Tiamzon sa  Carcar, Cebu nitong Sabado ng hapon kasama sina  Jeosi Mag-abo Nepa, Joel Escandor, Nona Cruz, Arlene Jose Panea,at Rex Garcia.

Nakompiska sa kanila ang mga laptop at USBs na posibleng naglalaman ng mga plano at daloy ng pondo ng kilusang komunista. (ROSE NOVENARIO)

PAG-ARESTO KINONDENA NG KM

KINONDENA ng Kabataang Makabayan (KM), revolutionary mass organization ng mga kabataan, ang illegal na pag-aresto kina Ka Wilma Austria-Tiamzon at Benito Tiamzon, at iba pang mga kasama, ng pinagsanib na pwersa ng Philippine military, CIDG at local police ng Cebu.

“Almost three weeks before the reported arrival of US President Obama, the Aquino regime is one by one revealing the bienvenida gift to Obama like a very true lackey,” pahayag ni KM spokesperson Ma. Laya Guerrero.

Iginiit ng KM sa pamahalaan ang unconditional na pagpapalaya sa mga Tiamzon na nagsilbi ring NDFP consultants.

Ayon sa KM, ang pag-aresto kina Ka Wilma at Benito Tiamzons at kanilang mga kasama ay kabilang sa “palpable top list” ng mga regalo ni Pangulong Benigno Aquino III sa US imperialism, kabilang ang pinatinding presensya at pag-estasyon ng sandatahang lakas at lethal weapons ng US sa dalampasigan at kapatagan ng bansa, at pagsusulong ng Charter change pabor sa full foreign equity sa mga lupain, serbisyo at investment sa bansa kapalit ng pogi points ni Aquino.

“The AFP’s and the fascist Aquino regime’s claims that the revolution will be crippled with their capture of the Tiamzons is sinking propaganda.”

“So long as the country is mired with poverty and injustice, so long as the Aquino government stinks with corruption and never heed the peoples most basic needs and rights, the more youth will rise up and seek for revolutionary change,” dagdag ni Guerrero. (LAYANA OROZCO)

ARESTADONG COMMUNIST LEADERS NASA CAMP CRAME NA

NAILIPAT na sa PNP Camp Crame sa Quezon City kahapon ang naarestong si Communist Party of the Philippines (CPP) chairman Benito Tiamzon, kasama ang kanyang misis na si Wilma Tiamzon, CPP-NPA secretary-general, sa Brgy. Zaragosa, Alouguinsan, Cebu.

Ito’y makaraan maaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at AFP kamakalawa ilang araw bago ang nakatakdang anibersaryo ng NPA sa Marso 29, kasama ng limang iba pang mga kasamahan.

Kaugnay nito, mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng pulisya laban sa rebeldeng grupo na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder na may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court branch 31 sa Laoang, Samar.

Una nang pinanindigan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na legal ang pag-aresto ng mga awtoridad kay Tiamzon, kasama ang kanyang misis at limang iba pa sa lalawigan ng Cebu.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *