Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC de Vera, sobrang pinahahalagahan ng Kapamilya Network (Lagare sa Moon of Desire at Legal Wife)

ni  Reggee Bonoan

VIP (very important person) ang treatment kay JC de Vera sa ginanap na grand presscon ng panghapong serye niyangMoon of Desire na ginanap sa 9501 Restaurant noong Huwebes ng gabi dahil binigyan siya ng kinse minutos na solo presscon para makatsikahan ang entertainment press.

Inisip tuloy namin na hindi kaya siya ang ‘moon of desire’ ng dalawang leading lady niyang sina Meg Imperial atEllen Adarna?

Kaya natanong tuloy si JC kung paano niya naaalagaan ang magandang  pangangatawan lalo’t marami siyang sexy scenes sa Moon of Desire na ididirehe nina FM Reyes at Raymund Ocampo na mapapanood na ngayong Lunes.

Say ni JC, ”honestly, hirap na hirap po. Mahirap mag-maintain ng maayos na katawan, actually ‘yung fit talaga lalong-lalo nagte-taping po tayo every day. Hindi ako nakakapag-work out.

“Siyempre hindi rin puwedeng kumain ng marami sa set kasi may inaalagaan kang katawan na kailangang ipakitang abs kunwari, mahirap po, hirap na hirap na ako pero lahat naman ‘yun, tinitiis ko talaga. Pero masaya kasi nakikita ko ‘yung outcome ng trabaho namin na maganda kaya tinitiis ko talaga, wala munang kain-kain.”

Lagare sa Moon of Desire at Legal Wife

Sa cast ng Moon of Desire ay si JC lang ang may dalawang programa dahil kasama rin siya sa The Legal Wife kaya naman natanong siya kung may panahon pa siyang magpahinga.

Kaagad na sinagot ng aktor ng, ”wala po akong time (mag-rest), MWF po, taping ng ‘Legal Wife’, TTHS, ‘Moon Of Desire’, siyempre alam naman natin ‘pag taping long hours of working, sa oras ng tapos ng isang palabas, diretso na po ako sa susunod na call time, ganoon po.

“Mga two months na po akong ganito, actually, masarap namang mapagod na ‘yung mga staff wala namang naririnig na reklamo sa akin kasi mahal na mahal ko itong ginagawa ko, ito ‘yung nagpapagising sa akin, love for my work for the craft maski na antok na antok na ako at pagod na pero kapag nakikita ko sina direk FM, direk Rory, direk Dado talagang nabubuhayan ako.”

Sobrang nagpapasalamat si JC dahil sobrang blessed daw niya na nabigyan siya ng dalawang programa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …