Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, ayaw nang magkomento kay Marian

ni  James Ty III

NANOOD si Heart Evangelista kasama ang kanyang BF na si Sen. Chiz Escudero ng laro ng San Miguel Beer at Rain or Shine sa PBA kamakailan sa Araneta Coliseum.

Pagkakataon ito para kay Heart na mag-relaks muna habang wala pa siyang bagong TV project sa GMA.

Sa aming sandaling pakikipag-usap kay Heart, sinabi niyang ayaw na niyang magkomento pa tungkol sa umano’y patutsadahan nilang dalawa ni Marian Rivera tungkol sa kanilang magazine covers ngayong buwan.

Cover girl si Heart ng  Cosmopolitan na nagsuot siya ng asul na bikini habang halos nakahubad si Marian bilang cover girl ng FHM.

Iginiit ni Heart na ang kanyang pagpapa-sexy sa Cosmopolitan ay bahagi ng pagiging mas mature at independent dahil sa kanyang relasyon kay Sen. Chiz na suportado ang kanyang sexy pictorial. Bago ang kanyang pictorial sa magasin, nagpa-sexy din si Heart sa kalendaryo ng isang sikat na alak.

Bianca Gonzalez, magpapakasal na!

NATUTUWA kami sa TV host na si Bianca Gonzalez dahil sa kanyang napipintong pagpapakasal sa basketbolistang si JC Intal ng Barako Bull.

Sa video na ipinalabas ng Umagang Kay Ganda noong isang araw ay ipinakita si JC na nag-propose kay Bianca sa airport na biglang ikinagulat ng huli.

Ang kaibigan ni Bianca na si Cheska Garcia-Kramer ang nagpalabas ng nasabing video.

Sa edad na 30 ay talagang handa na si Bianca na magpakasal lalo na’t tagumpay ang kanyang career bilang TV host.

Sa panig naman ni JC, naalala namin na dapat sanang nagpakasal siya sa kanyang unang GF na si Carla Abellana ngunit hindi ito natuloy nang pumasok si Carla sa showbiz na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Palaging nanonood si Bianca ng mga laro ni JC sa PBA kaya kitang-kita ang suporta ni Bianca sa BF.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …