ni Peter Ledesma
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang pumayag ang International singer at Tony awardee na si Lea Salonga na kumanta ng themesong ng isang teleserye. Well, malaki ang bilib at pag-hanga ni Lea sa mga teleserye ng Dreamscape Entertainment ni Sir Deo Endrinal na pawang mga dekalidad at magaganda ang materyal. Lalo-lalong na ang umeere ngayon na “Dyesebel” na pinagbibidahan ni Anne Curtis kasama ang mga hunk leading-men na sina Gerald Anderson at Sam Milby. Tuwang-tuwa siyempre si Sir Deo at ang buong team ng Dreamscape, sa pagpayag ni Lea na siya ang kumanta ng themesong ng ipinagmamalaki nilang teleserye. Last Friday ay naganap na ang recording ni Lea para sa themesong ng Dyesebel ang “Ang Tangi Kong Kaila-ngan,” mula sa orihinal na komposisyon nina Francis at Carla Concio. Pagkatapos ng kanyang recording ay agad-agad ay nag-shoot si Lea ng Music Video nito. Ganyan kabongga ang Dye-sebel na binigyan talaga ng pansin at importansiya ng nasabing Broadway Diva. Abangan n’yo pala ang pabulosang launching ng OST o Official Soundtrack ng Dyesebel at soon na ‘yan. A biggest project of all time gyud!
Julia Barretto Punong-Puno Ng Star Quality, Teleseryeng Mirabella Mapapanood Na Sa Primetime Bida
Hindi lang ang katalinohan o ang pagiging arti-culate sumagot ng mga lead star ng “Mirabella” na pinangungunahan ng bagong love team na sina Julia Barretto at Enrique Gil ang sobrang hinangaan ng entertainment press na invited sa recent Grand All-Star Presscon held at the Loop Garden of ELJ Bldg. sa ABS-CBN, kundi maging ang attitude ng bawat cast na kitang-kita ang sincerity sa handog nilang bagong palabas na magsisimula na ngayon hapon, March 24 bago mag TV Patrol. ‘Yung fans nina Julia at Enrique ay sobrang atat nang mapanood ang Mirabella. Katunayan mil-yon na ang nag-like nito sa Facebook at Instagram kaya ibig sabihin ay maraming viewers ang susuporta sa pinagbibidahang fantaserye ni Julia na pinakabunso sa mga naunang Barretto sa showbiz. Hindi imposible na kung ano ang nangyari noon sa career ng kanyang tita Claudine na naging Reyna ng mga teleserye ng ABS-CBN ay masundan ng young actress na hindi lang ganda ang puhunan kundi very articulate, marunong umarte at may PR. Na kay Julia na lahat na ang star quality, kaya may “K” talaga siya. Saka malaking advantages rin ang pagkakasama ni Enrique sa seryeng ito na galing sa mga top-rating teleserye ng Dreamscape Entertainment at Star Creatives na lumikha ng Princess and I na nakasama ng hunk dan-cer-actor ang pinakasikat na love team ngayon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Malaking parte rin ng istorya ng serye ang umampon kay Mirabella na sina Pokwang bilang si Osang at John “Sweet” Lapus naman bilang si Paeng. Bukod sa mga nabanggit ay kokompleto sa cast ng Mirabella sina Sam Concepcion, Mylene Dizon, James Blanco, Liza Dino, DJ Durano, Mika dela Cruz, Arlene Muhlach, Alora Sasam at Gloria Diaz. Kasama rin ang mahusay na si Dimples Romana para sa kanyang natatanging pagganap bilang ina ni Mira na si Daisy Arboleda na isinumpa ni Olive (Mylene Dizon) dahil sa pag-ibig sa lalaking si Alfred (James Blanco) na pareho nilang inibig. Iinog ang kuwento ng Mirabella sa buhay ni Mira (Julia), ang dalagitang nagmana ng sumpa sa ina na pagkakaroon ng balat na tulad ng isang kahoy. Sa kabila ng panghuhusga at pang-aalipusta sa kanya ng karamihan, naniniwala pa rin si Mira sa likas na kabutihan ng tao dahil sa ipinadaramang pagmamahal sa kanya ng mga umampon sa kanyang sina Osang at Paeng. Paano maipakikita ni Mira sa lahat na mas matimbang ang kagandahan ng kalooban kaysa panlabas na kaanyuan? Maranasan na kaya niya ang kanyang hinahangad na pagtanggap at pagmamahal sa pagdating ni Jeremy (Enrique) sa buhay niya? Kabutihan ang hangad ni Mirabella sa buhay na ipinanganak mang kakaiba ay hindi nagkulang sa pagmamahal sa magulang, kaya lumaki siyang mabuting bata, naniniwalang kapag nagpakita ng maganda sa kapwa maganda rin ang ipakikita nila sa iyo. Maraming mga pagdaraanang pagsubok si Mira tulad ng pa-ngungutya ng kapwa, isa na rito ang contravida sa nasabing official summer teleserye ng ABS-CBN na si Iris Robles na gagampanan naman ni Mika dela Cruz. Tatlong mahuhusay na director ang hahawak sa bagong serye ng Dreamscape Entertainment at sila ay sina Erick Salud, Jojo Saguin at Jerome Pobocan. Kaya Kapamilya, watch nating lahat ito gyud!