Monday , December 23 2024

Divergent, mas maganda raw sa Hunger Games

ni  Maricris Valdez Nicasio

KUNG nagandahan kayo sa Divergent book ni Veronica Roth, tiyak na magugustuhan n’yo rin ang movie version nito na idinirehe ni Neil Burger. Kaya naman hindi kataka-takang dinumog ito ng mga tin-edyer noong Miyerkoles sa SM Megamall para sa premiere night ng sinasabing most anticipated film of 2014 na release sa ‘Pinas ng Pioneer Films.

Napag-alaman naming ganoon na lamang ang paghihintay ng karamihan para matunghayan ito sa big screen. At malawak na rin ang bilang ng fans ng Divergent.

Sinasabing matamang sinundan o ginaya ng Divergent movie ang original story ni Roth. Bukod kasi sa pagbabawas ng ilang character at plot, hitik naman ito sa action at katatakutan. Kaya tiyak na mag-eenjoy ang sinumang mahilig sa ganitong klase ng panoorin.

Kaya kung hindi man ninyo nabasa ang libro, ‘wag manghinayang dahil parang nabasa na rin ninyo iyon sa panonood ng pelikula.

Ang istorya ng Divergent ay nagsimula sa futuristic dystopia na ang society ay nahahati sa limang faction na bawat representative ay may iba’t ibang virtue. Ang mga tin-edyer ay kailangang magdesisyon kung mananatili ba sila sa faction o mag-iiba ng paniwala o direksiyon na siyang gagabay na sa kanilang pamumuhay.

Pero nagulat ang lahat sa ginawang desisyon ni Tris Prior (Shailene Woodley). Kinailangan nilang mamuhay sa isang highly competitive initiation process to live out the choice they have made. Kinailangan nilang sumailalim sa extreme physical and intense psychological test, that transform them all.

Pero may sikreto si Tris na isa siyang Divergent, na ibig sabihin ay hindi siya nararapat masama sa kahit saang grupo. At kapag may nakaalam nito, posibleng ikamatay iyon. At habang nadidiskubre niya ang papalaking conflict na nag-threatens sa akala niya’y perfect society, ang sikretong iyon pala ang posibleng makapagligtas sa mga mahal niya sa buhay, o siya ring maging daan para masira o maging mapanganib ang pamumuhay.

Kasama rin sa Divergent sina Theo James, Kate Winslet, Miles Teller, Maggie Q, Ansel Elgort, Zoe Kravits, at Jai Courtney.

Sa mga nakapanood na ng Divergent, sinasabing mas maganda ito sa Hunger Games. Kaya watch na kau dahil palabas na ito sa mga sinehan.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *