SARIAYA, Quezon – Ani pang pilgrims ang kinasuhan kaugnay ng pagkasunog ng 50 ektaryang forestland ng Mt. Banaw nitong Huwebes.
Ayon sa mga awtoridad, ang anim pilgrims ay dinala na ng rescue teams sa himpilan ng pulisya, gayundin ang iba pa nilang mga kasama.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), ang anim ay pababa mula sa bundok sa
Brgy. Concepcion Pinagbakuran nang maispatan ng rescue teams.
Kinilala silang sina Criste Ababa Bulante, 45, ng Las Piñas City; Merencia Eugencio Santiago, 44, ng Nueva Ecija; Jinky Mae Dumanan Dulay, 21, ng Taguig City; Francisco Saculsan Alpapara, 73, ng Pasay City; Richard Abanilla Espita, 43, at Tristan Joe Cruz Alpapara, 28, kapwa ng Las Piñas.
Sila ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9847, o batas na nagdedeklara sa Mt. Banahaw at kalapit na Mt. Cristobal sa Laguna bilang protected landscape.
Ang anim ay mga miyembro ng Hiwaga ng Bundok Banahaw Inc., grupo ng mga deboto na umaakyat sa bundok tuwing summer.
Sila ay unang napaulat na nawawala, habang ang lima pang kasama ng grupo ay kinasuhan din ngunit pinakawalan makaraan magbayad ng penalty, bunsod ng suspetsang sila ang nagpasimula ng apoy sa bundok.