Friday , November 1 2024

Pagsasapribado ng gov’t hospitals masamang pangitain sa mga ‘boss’ ni PNoy

00 Bulabugin JSY

MASAMA ang nakikitang pangitain ng mga kababayan nating militanteng lalo na ‘yung mga kababaihan na miyembro ng GABRIELA.

Minsan natin silang nakadaupang-palad sa tarangkahan ng Gate 1 ng House of Representatives sa Batasang Pambansa Complex sa Batasan Road, Batasan Hills, Quezon City.

Naamoy kasi ng mga aktibistang kababaihan na ‘di maganda ang nakapaloob sa Charter Change sakaling muli itong buhayin sa Kongreso.

Ang tinutukoy nila ay ang pagsasapribado ng  government/public hospitals tulad ng Fabella Maternity Hospital, Philippine General Hospital at iba pa.

Nakasaad sa itinutulak na charter change ng ilang sector na ang magmamay-ari ng mga ospital ng pamahalaan ay mga banyagang mamumuhunan na nakabase sa bansa.

Kung magkakagayon, masamang pangitain talaga ang bubulaga sa bawat mahirap nating mga kababayan na walang kakayahang magpagamot at magpa-confine dahilan sa kawalan ng pera. Unang-una nang maaapektohan ng batas na ito sakaling matuloy, ang mahihirap nating mga kababayan na pambili pa lamang ng gamot ay hirap at walang mahagilap. ‘Yun pa kayang magpatingin sa pribadong pagamutan at doktor? Asahan na maraming titirik ang mata sa botika pa lamang.

Anak ng tipaklong!!!

Anong klaseng mga mambubutas ‘este’ mambabatas natin ang nakaisip nang ganitong uri ng panukalang batas?

Bwiseet!!!

UERMMCI ALLERGIC SA PCSO GUARANTEE LETTER

SPEAKING of hospital greediness… ALAM kaya ng pamunuan ng University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, (UERMMMC) Inc., na nasa kahabaan ng Aurora Boulevard, Quezon City na wala ‘ata silang tiwala sa Guarantee Letter (GL) na iniisyu ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)?

Bakit kan’yo!?

Isang bulabog boy natin ang dumanas ng matinding stress at tension dahil sa laki ng babayarang bill sa UERMMCI makaraang ma-confine doon ang kanyang anak. To make the story short. Ang bill ay umabot ng almost P100K. Ang nalikom lamang na cash na medical assistance ay umabot ng mahigit sa P70K. So, may P30K pang kulang. Mabuti na lang ang P30K ay nakuha courteuosy of PCSO GL duly signed by Madamme Herminia B. Reyes as approved by Mr. Rubin Z. Magno. The GL was addressed to Dr. Andres Borromeo, Medical Director of UERMMMC. Pero ang masakit nito ay pinapirma pa sila ng WAIVER explaining that the hospital policy, kahit na may GL bago pauwiin ang na-confine na patient ay pinapapirma muna ng waiver. Sakaling hindi umano ma-settle ng PCSO ang halagang nakasaad sa GL within 60-days ay ang pasyente o sinumang kaanak nito na sumasagot sa gastusin ng ospital ang magbabayad.

Sonabagan!!!

Ang patakarang ito ay buong talinong inisip daw ng

mga empleyado ng UERMMMCI Billing and Credit & Collection Department sa pamumuno ni Ms. Reina Yuki. Ibang klase pala ang ospital na ‘to! Ibig ba nitong sabihin ay walang tiwala ang UERMMMCI sa PCSO na mabayaran ang P30K?

Binalasubas na ba ng PCSO ang nasabing ospital? Kaasar ang ganitong sistema ‘di ba? Hindi ba ang dapat ang UERMMMCI na ang pumasan kung anoman ang susunod na hakbang para sila makasingil sa PCSO at ‘di na pahihirapan ang nahihirapan na ring kaanak ng kanilang naging pasyente?

Sa totoo lang, malinaw na nakasaad sa GL na: hospital and PCSO communication na lamang at out of the picture na ang pasyente after the government institution has approved financial assistance for the hospitalization of patient. Malinaw din sa GL na valid only for the use of the addressee which is Dr. Borromeo; non-transferable and cannot be encashed and the GL should be presented by the hospital/medical institution within 30 days from the date of availment together with the signed statement of account, original certified copy of medical abstract, original copy of quotation, letter of acknowledgement receipt signed by the patient or authorized representative and letter of request.

O hindi ba napakalinaw pa sa sikat ng araw na ang ospital ang dapat magpursige para masingil ang PCSO at ‘di ang pasyente o kinatawan nito.

Style n’yo bulok!!!

NAGPA-POWER TRIP BA SI MTPB CHIEF CARTER LOGICA!?

ABUSADO raw ba at nagsisiga-sigaan ang hepe ng MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU (MTPB) na si Carpenter ‘este’ Carter Logica lalo na kung lango sa alak?

‘Yan po ang sinasabi ng mga kalugar n’ya sa BALUT Tondo, Maynila!?

Marami na rin ang nagrereklamo sa kanyang sariling lugar sa isang MATAPANG at SIGA kuno na si CARTER LOGICA na nakikitang may sukbit na baril kapag nauulol ‘este’ nalalasing uamno. Ang trip daw ni Carter ay manita at manindak ng mga nakaparadang trak sa kanyang lugar kapag medyo may ‘tama’ na sa alak sabay tawag sa RWM towing para batakin ang mga POBRENG TRAK sa kanyang lugar.

Minsan nga raw may pumalag sa kanyang trak driver na nagbibigay naman ng ‘tong’ sa MTPB na pinagmumura at inaway-away n’ya. ‘E kaso hindi siya nakilala ng driver at akmang papatulan kaya biglang bumunot at inilabas ang bayag ‘este’ baril n’ya sabay paki lala na siya ang herpes ‘este’ hepe ng MTPB. Kasunod nito ay tumawag ng maraming towing trak at ipinahatak lahat ng trak na nandoon.

Sonabagan!!!

Ito pa, tinuturuan pa raw ng isang MTPB official ang dalawang PULIS sa MPD-NORTHBAY COMPAC na MANGOTONG ng tig-P500 hanggang P1,500 kada TRAK na daraaan sa nasabing POLICE OUTPOST at ang estilo ay hahanapan ng butas ang trak na daraan kahit walang kaukulang checkpoint signage.

Inisyuhan pa raw ng MTPB ng traffic tickets ang dalawang panggabi na bagitong pulis para gamitin sa pangongotong sa mga pobreng trak drivers.

MTPB CARTER “TOTOY” LOGICA, ganyan ba talaga ang kalakaran ngayon sa MTPB?

Tandaan mo Carter Logica, weder-weder lang ‘yan … lahat ay may katapusan rin. Ayaw ko naman na dumarami ang nagagalit at nagmumura sa ‘yo at makita ka isang araw na nakabulagta sa lugar mo?!

Payong kaibigan ‘yan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *