Friday , November 1 2024

Recall vs Bayron walang basehan (Krimen sa Puerto Princesa ‘di lumala — PNP chief )

MARIING pinabulaanan ng kampo ni Puerto Princesa Mayor Lucilo R. Bayron ang mga alegasyong ibinabato sa kanya ng ilang mga opisyal ng nakaraang administrasyon na naging basehan ng paghahain ng petisyon na humihiling ng recall election sa lungsod.

Mismong si Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima ang dumepensa sa ibinabatong akusasyon kay Mayor Bayron at inihayag na hindi lumala ang kriminalidad sa lungsod tulad ng akusasyon ng mga naghain ng petisyon.

Ipinaliwanag ni Purisima na ang pagbabago ng sistema sa PNP na lahat ng krimen maging ang nagaganap sa barangay ay dapat na iulat ng pulisya, taliwas sa dating nangyayari na dinodoktor ng ilang opisyal ang ulat upang palabasin na maliit lamang ang nagaganap na krimen sa kanilang nasasakupang lugar.

Nauna rito’y nagbigay na rin ng ulat si City Tourism Officer Ailene Cynthia Amurao kaugnay sa pag-angat ng turismo nitong Enero 2014 na umabot sa 66,438 kompara noong Enero ng taon 2013 na umabot sa 61,092 panahon pa ni dating Mayor Edward Hagedorn.

Sa kanyang pahayag sa isang radio interview, sinabi ni Mayor Bayron, kung pagbabasehan ang mga nalathala sa ilang peryodiko, ang pangunahing maaapektohan dito ay ang mamamayan ng lungsod.

“Ang maliliit na stakeholders ng turismo gaya ng tour guide, van drivers at maliliit na pension house ang pangunahing maaapektohan ng mga maling akusasyon. Mga ordinaryong tao sila ng lungsod na parang inalisan ng pagkain sa hapag kainan,” pahayag ng alkalde.

Bumuhos ang suporta ng mamamayan ng Puerto Princesa  kay Mayor Bayron at maging sa social media ay dumagsa ang komento at paniniwala na isang uri lamang ng pamomolitika ang inihaing petisyon.

Karamihan sa mga nai-post na komento ng mga netizens ang lokal na katagang “Kasuram Den” na ang ibig sabihin ay nakasasawa na, tama na, sobra na.

Magugunita na noong 2002 sa panahong natalo sa pagkandidato sa pagka-gobernador ng Palawan si Mayor Hagedron, nagkaroon din ng recall election at napatalsik si Puerto Princesa Mayor elect Dennis Socrates.

Noong Mayo 2013 election, natalong muli si Hagedorn sa kanyang kandidatura sa pagka-senador kaya’t marami ang nagsasabi na siya ang nasa likod ng recall petition sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sa huli, marami pa rin mamamayan ng Puerto Princesa ang patuloy na naniniwala sa kakayahan at buo ang kanilang tiwala kay Bayron. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *