TINANGKANG makalapit sa harap ng US Embassy ang grupo ng League of Filipino Students at Bagong Alyansang Makabayan ngunit agad silang hinarang ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD). Tinututulan ng mga raliyista ang nakatakdang pagbisita sa bansa ni US President Barack Obama. (BONG SON)
Nagkagirian ang mga pulis at raliyista sa southbound lane ng Roxas Boulevard malapit sa embahada ng Estados Unidos sa Maynila, kahapon ng umga.
Nagsunog ang militanteng grupo ng Bayan at League of Filipino Student (LFS) ng bandila ng Amerika at malaking replika ng Philippine-US Framework Agreement kasabay ng mariing pagkondena sa pagdaong sa Maynila ng dayuhang command ship na USS Blue Ridge nitong Martes.