Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napoles isinugod sa ospital (Tiyan sumakit)

ISINUGOD sa Ospital ng Makati si Janet Lim-Napoles nang sumakit ang tiyan makaraan ang pagdinig kahapon sa Makati RTC Branch 150 kaugnay ng kanyang petition for surgery at hospitalization.

Ayon kay Judge Elmo Alameda, kabilang sa kanilang pinagpilian ang Philippine General Hospital (PGH), Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at East Avenue Medical Center.

Ngunit bigo ang kampo ng negosyante sa paggiit nilang dapat ay sa pribadong pagamutan dalhin ang kanilang kliyente.

Una rito, personal na iniharap ng kanyang mga abogado si Napoles sa korte para personal na ipakiusap na makapagpagamot na siya dahil mahigit isang buwan nang pagdurugo dahil sa bukol sa kanyang matris.

Naiyak pa si Napoles habang umaapela kay Alameda na bigyan na siya ng clearance para madala sa private hospital. (KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …