Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FEU ECE stude patay sa tarak

PATAY ang isang 20-anyos college student nang pagsasaksakin ng isa sa dalawang suspek sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Jacinto Noel Genuino, kumukuha ng kursong Electronic Communications Engineering sa Far Eastern University (FEU).

Sa inisyal na imbestigasyon ng Crime Against Person Section ng Manila Police District (MPD), naglalakad sa lugar ang biktima kasama ang isang kaibigan nang makasalubong sa kanto ng Don Quijote at España Boulevard ang mga suspek na sina Greg Dan Balais, 21, dating estudyante ng FEU; at Eric Rivera, 20, estudyante ng University of Santo Tomas (UST).

Ayon sa ulat, sa hindi malamang dahilan, habang nagpapambuno ang tatlo, biglang tumimbuwang  si Genuino nang saksakin ni Balais.

Malalim na saksak sa tadyang at likuran ang inabot ng biktima na naisugod pa sa UST Hospital pero namatay rin habang nilalapatan ng lunas ng mga doctor.

Isinusulat ito, nakatakdang sampahan ng kaso sa Manila Prosecutor’s Office ang dalawang suspek.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …