LEGAZPI CITY – Bagama’t wala pang kongkretong basehan sa sinasabing panggagahasa ng 19-anyos bina-tilyo sa inahing baboy sa isang bayan sa Albay, lalo pang lumakas ang paniniwala ng mga residente sa lugar na may nangyaring panana-mantala sa inahing alagang hayop.
Ito ay dahil sa nakitang pamamaga at pagdurugo ng ari ng baboy makaraan ang insidente.
Napag-alaman na buntis ang baboy kaya imposible anila ang ganitong sitwasyon.
Bukod pa ito sa na-tagpuang kahina-hinalang bagay malapit sa kulungan na pinaniniwalaang ginamit sa pagsasamantala gaya ng mga dahon ng saging.
Samantala, naka-takdang magsagawa ng imbestigasyon ang Sto. Domingo MPS upang mabigyang-linaw ang tunay na nangyari habang isasailalim sa eksaminasyon ang inahing baboy.
Nagpahayag na rin ng pangamba ang ilang mga residente sa lugar na baka hindi lang sa hayop magawa ng suspek ang kahalayan.
Ayon kay C/Insp. Edgardo Azotea, hepe ng Sto. Domingo MPS, sakaling mapatunayan na ginahasa ang hayop, posibleng kasuhan ang suspek sa ilalim ng Animal Welfare Act.
(JETHRO SINOCRUZ)