Monday , December 23 2024

5 joggers na holdaper gumagala sa Malabon

PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang  mga residente sa isang subdibisyon  sa Malabon City, laban sa limang lalaki na nagkukunwaring jogger ‘yun pala’y naghahanap ng hoholdapin tulad ng nangyari kahapon ng ma-daling araw.

Salaysay ng biktimang si Ladie Alberio, 40-anyos, stay-in tauhan ng Ecoshield Company sa Kingsborough Subdivision, Brgy. Panghulo, dakong 3:00 ng madaling araw nang maganap ang panghoholdap.

Nagroronda umano siya sa binabantayang compound habang nakaparada sa kalsada ang kanilang service van na may lamang mga paninda, nang lumapit ang lima lalaki na naka-jogging get-up.

“Pare, ‘wag ka lang gagalaw, magpakabait ka lamang at hindi ka masasaktan,” ang sabi sa kanya ng isa sa limang suspek habang ang isa ay tinutukan siya ng patalim sa tagiliran sabay deklara ng holdap.

Isa sa lima ang pilit na hinahanap ang susi ng van pero wala  sa biktima kaya kinuha na lang ang kanyang cellphone, alahas at P300 cash saka mabilis na tumakas. (rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *