Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 anak na babae niluray ng tanod (Panganay nabuntis)

PANGASINAN – Ina-resto ang barangay ta-nod mula sa Bugallon, Pangasinan bunsod ng panggagahasa at pagmolestiya sa kanyang limang anak na babae.

Naaresto ang suspek na hindi binanggit ang pangalan upang maprotektahan ang kanyang mga anak, makaraan dumulog sa himpilan ng pu-lisya ang isa sa mga biktima na si Nina, 16-anyos.

Si Nina, 4 buwan buntis, ay sinamahan ng kanyang guro sa himpilan ng pulisya at doon isinalaysay ang pang-aabuso ng ama sa kanilang mag-kakapatid.

Inihayag niya sa pu-lisya na sinimulan siyang halayin ng ama noong siya ay 11-anyos pa lamang.

“Natakot ako. Sabi niya minsan lang niya gagawin pero ilang beses na nangyari,” ayon kay Nina. “Sana makulong siya… sinira niya ang pagkababae ko.”

Ibinunyag din ni Nina na ginahasa rin ng kanilang ama ang isa pa ni-yang kapatid na babae, habang minolestiya rin ang iba pa niyang mga kapatid na may gulang na 11 at 14. Habang ang 9-anyos pang kapatid na babae, ayon sa medico legal officer, ay may “laceration” sa kanyang ari.

Todo-tanggi ang ama sa akusasyon sa kanya.

“Hindi ‘yun totoo … hindi ko alam kung ba-kit ito ginagawa sa akin,” aniya.

Na-shock ang ina ng mga biktima na nagtatrabaho sa Maynila bilang kasambahay, nang mabatid ang insidente.

“Makulong na lang din, para hindi na niya ulitin ang ginawa niya … kadugo pa niya ang pinaggawan niya nito,” pahayag ng ina.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …