TUMANGGING tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang 20 Filipino na naaresto kasunod ng isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad sa bansang Spain.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Charles Jose, minabuti ng nasabing mga kababayan na igiit ang kanilang “right to privacy” kung kaya’t ayaw nilang makipag-usap sa embassy officials.
“They do not want to see, be seen or contacted (by our embassy officials) … We cannot force them unless they would ask for assistance,” ayon sa opis-yal.
Una rito, napaulat ang pagkakasabat ng mga awtoridad ng mahigit walong kilo ng “highly addictive drugs” sa serye ng raid sa Madrid, Barcelona at Murcia.
Sa naturang operas-yon, nasa 50 katao ang naaresto kabilang ang 19 Filipino.
Tinukoy din sa report na naging “front” ng sindikato ang car import-export business firm sa kanilang operasyon.