BAHAGYANG bumilis ang bagyong Caloy habang nagbabanta sa timog silangang bahagi ng Mindanao.
Dahil dito, lalo pang dumami ang mga lugar na itinaas sa signal number one.
Kabilang dito ang Davao Oriental, Davao del Norte, Compostela Valley, Northern part ng Davao del Sur, Davao City, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Agusan del Norte, North Cotabato, Bukidnon at Misamis Oriental.
Ang mga lugar na nabanggit ay makararanas ng pabugso-bugsong ha-ngin at inaasahang uulanin.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Caloy sa 330 kilometro sa sila-ngan hilagang silangan ng Davao City.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras, habang kumikilos sa bilis na 11 kilometro patungo sa kanlurang direksyon.
Habang naglabas ng thunderstorm advisory ang Pagasa para sa Metro Manila kaugnay sa biglaang pag-ulan.
(LANI CUNANAN)