Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zsa Zsa Padilla, nakatagpo ng guwapo at mayamang Papa (Karapatan naman niyang lumigaya!)

ni  Peter Ledesma

Kaya pala, mas lalong nagiging blooming ang beauty ngayon ni Zsa Zsa Padilla ay dahil may bago pa lang inspirasyon ang singer-actress. Yes, maraming reporter ang nakapansin sa magandang aura ni Zsa Zsa, nang rumampa siya sa Dolphy Theater kasama ang mga co-star sa Grand Presscon ng top-rating nilang teleserye ngayon na “Dyesebel” na pinagbibidahan ni Anne Curtis. At di nga nagkamali ang press sa dudang in-love ngayon ang Divine Diva. Korek! kompirmadong may karelasyon nga ang actress at guwapo ito at in-demand na archetic. Kaya lang may kumakalat sa social media na may dalawang anak raw ang Papa ni Zsa Zsa sa nakahiwalayang misis na isa namang sikat na Interior Designer. Sabi may hawig raw kay Piolo Pascual ang lalaki at dahil open na ang relasyon ng dalawa ay nakikita silang magka-holding hands sa mga lugar na madalas puntahan. Well, kung may dating pa-milya ang sinasabing guy, ay puwede naman nitong pakasalan si Zsa Zsa especially kung na-annul na ang marriages niya. Ang maganda ay tanggap raw ng mga daughter ng Divine Diva kay tito Dolphy ang bagong boyfriend na rich. Whatabout Karylle? For sure mas lalong Oo. By the way, after maging contravida sa Juan dela Cruz ni Coco Martin ay balik kontrabida ang Divine Diva sa Dyesebel. Gaganap siyang nanay ni Gerald Anderson as Fredo sa serye at pahihirapan niya ang buhay ni Dyesebel sa lupa. Aba! kaabang-abang ang mga eksena nila ni Anne rito. Kaka-excite naman gyud!

“DYESEBEL,” BAGONG REYNA NG PRIMETIME TV

Mainit na tinutukan ng buong sambayanan ang unang paglangoy ng pinakamamahal na sirena sa Pilipinas na si “Dyesebel” nang magsimulang umere sa ABS-CBN Primetime Bida noong Lunes (Marso 17). Base sa datos mula sa Kantar Media, pinakapinanonood na programa sa Pilipinas ang fantaseryeng pinagbibidahan nina Anne Curtis, Gerald Anderson, at Sam Milby taglay ang 32.8% na national TV rating, o halos 15 puntos na lamang kompara sa katapat na programa sa GMA na “Kambal Sirena” (17.9%). Bukod sa TV ratings, wagi rin ang pinakabagong TV adaptation ng obra ni Mars Ravelo sa social networking sites tulad ng Twitter na naging worldwide trending topic ang opisyal na hashtag na #DyesebelAngSimula. Samantala, tiyak na lalong mapapakapit ang primetime TV viewers sa mas gumagandang kwento ng bagong Kapamilya serye sa pagsilang ng anak nina Lucia (Dawn Zulueta) at Prinsipe Tino (Albert Martinez) na si Dyesebel. Paano haharapin ni Dyesebel ang kapalaran na itinakda para sa kanya? Mapag-iisa ba niya ang dalawang mundong ma-tagal nang magkaaway? Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng “Dyesebel” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Dye-sebel” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/Dyesebel_TV at Twitter.com/Dyesebel_TV.

Eat Bulaga Selfie-Selfie Post Sa Facebook, Pinagkakagulohan Ng Mga Dabarkads

Araw-araw ay dinaragsa ang official Facebook Fan Page ng Eat Bulaga ng mga Dabarkads na gustong mag-join sa bagong Pakulo ng programa na “Selfie Selfie.” Napakadali lang naman kasi ng mechanics ng pakontes wala kang gagawin kundi ang kunan ng picture ang sarili gamit ang inyong cellphone. Araw-araw ay iba’t ibang posing ang ipagagawa kaya abangan kung ano itong makapag-ready sa iyong selfie shot. At daily ay may 5 winners na tatanggap ng P1,000 each at tig-dalawang personalized Eat Bulaga t-shirt. May isang winner naman na tatanggap ng 5K plus EB Jacket. Pwede ninyong i-upload ang inyong selfie picture gamit ang inyong Twitter Account, Instagram o Facebook. O di ba? naman makikita ka na ng buong bansa puwede ka pang manalo ng cash sa usong-uso na Selfie Selfie! Para malaman kung nanalo ka at papano i-claim ang prize aba’y bisitahin lang ang official Facebook Fan Page ng Bulaga. Sa mga winner i-email lang ang inyong complete details sa eatbulaga1979gmail.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …