TILA may isang BoC official na nagmamadaling magkamal ng pera kahit ikasira ng pamunuan ni Commissioner John P. Sevilla, at sana ay matumbok kung sino siya.
Itong ganitong gawain ng isang opisyal na appointee din ni PNoy sa Bureau of Customs, hindi dapat manatili. Ito pa marahil ang ikasisira hindi lamang ng imahe ng ahensya kung hind maging ni Sevilla at ibang may magandang hangarin sa bansa.
Ito raw ay may kinalaman sa utos ni Commissioner na sibakin ang import permit (accreditation) ng 70 importers at 45 customs brokers nang walang due process na ibinigay sa kanila. Hindi sila mga tanga at karamihan sa kanila ay abogado at malawak na ang karanasan sa pag-facilitate ng kargamento sa Bureau. Iba sa kanila ay nandiyan sa Bureau noong si Commissioner Sevilla ay naka-shorts pa lang.
Ang malaking sentimyento de asukal ng mga nasibak na broker at importer (kasama rito ang pagbabawal sa kanila na mag-file ng kanilang Import Entry – huwag mag-import pero hindi man lamang sila pinagpaliwanag. Dahil daw hindi nila sinunod ang guidelines sa pagpa-file ng Entry. Hindi lang sila dapat sinasabihan. Pero ang tila katawa-tawa, ni hindi pa pala preparado ang BoC guidelines. Sino nga bang opisyal ang masyadong minadali ang pagsibak? Dahil ang awtoridad ng pag-iisyu ng Clearance sa kanila ay hinawakan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Kahit nga iyong paglilipat ng awtoridad sa BIR tinutututulan din ng 10,000 broker at importer sa banta ng red tape. Isipin na lang na 10,000 kailangan maipasa ng BIR sa loob lamang ng 90 days (March 1-MaY3L). Humanly impossible ito. May panakot pa sila na kakanselahin ang kanilang mga permit kapag hindi naaprubahan sa takdang deadline. May kalupitan din itong pamahalaan na ito.
Kailangan ay maipaimbestigahan ni Sevilla kung ano at sinubo sa kanya iyong ‘binitay’ na 100 broker at importer dahil tiyak may masamang plano ito. May hidden agenda. Totoo kaya na ang ilan sa kanila ay sariling brokerage firm at gusto raw palayasin iyong broker na humahawak sa malalaking company at ipasa sa mga vested interested na opisyal. May balita pa tayo na tila may planong tumakbo ang ilan sa kanila sa 2016 election. Kaya Commissioner iyong paganahin ang iyong intelligence unit para mabulgar ang kabulukang gawain ng ilang opisyal nakahihiya. Ngayon kalat na sa circle ng maraming broker at importer ang hidden agensa sa kanila. Upang sulutin ang malaking company.
Arnold Atadero