Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam Concepcion, enjoy katrabaho sina Julia Barretto at Enrique Gil

ni  Nonie V. Nicasio

MASAYA si Sam Concepcion sa pagtatrabaho sa bagong TV series ng ABS CBN, ang Mira Bella na magsisimula nang mapanood sa March 24. Tinatampokan ito ni Julia Barretto with Enrique Gil na bumubuo ng triangle ng tatlong Kapamil-ya stars.

Ayon sa aktor/singer, natutuwa siya dahil sa smooth ang kanilang pagtatrabaho sa naturang bagong TV series ng Dos at komportable siya sa dalawang lead stars nito.

Dati na kasi niyang nakasama sina Enrique at Julia, kaya’t kumbaga ay mas kabisado na rin nila ang isa’t isa.  “Julia is very pleasant, very nice, very hardworking, and very down to earth. She’s here to learn more and have more experience. Parang with that kind of perspective at ganoong klaseng work ethics, very promising talaga siya,” esplika ni Sam.

Dagdag pa ng young actor, “Nagkasama na kami ni Julia noon, thirteen lang ako and siya ten lang yata siya.

“Ako ang young Piolo (Pascual) and siya naman iyong young Claudine Barretto sa Walang Kapalit. ’Tapos ngayon, magkasama ulit kami dito sa Mira Bella, parang how many years, tapos nandito ulit kami.”

Hinggil naman kay Enrique, nabanggit niyang matagal na rin niyang kilala ang actor. “Si Enrique, matagal ko nang kakilala si Quen, bago pa siya nag-showbiz. First time niyang umarte sa TV, ako iyong naging kasama niya.

“Si Enrique, mabait sa akin. He’s a good friend. He’s one of the people talaga na close ako rito sa industry.”

Nabanggit din ni Sam na okay lang sa kanya na maging support siya ni Enrique, although magka-love triangle nga silang tatlo rito ni Julia. Kaya lang, mas nabibigyan ngayon ng publicity sina Julia at Enrique dahil si Sam bale ang magiging third party sa triangle nila.

Nabanggit din ni Sam na ang mahalaga sa kanya ay may TV series siya ulit sa Dos dahil ang huling serye niya rito ay sa Angelito pa.

Toni Gonzaga, may bagong album!

PAGKATAPOS ng record breaking na movie nina Toni Gonzaga and Piolo Pascual na Starting Over Again, ang susunod na tinututukan ngayon ng dalaga ay ang kanyang latest album sa Star Records na pinamagatang All Me.

Nagkuwento ang singer/actress/TV host sa latest album niyang ito. Nabanggit ni Toni na feel good talaga ang mararamdaman ng makakarinig sa kanyang latest album.

“The whole feel of the album is feel good, iyong something that will put you in the mood, iyong something that can start your day right. If you play it while you’re driving, if you play it sa bahay habang wala kang ginagawa, it sets your mood na maganda, it makes you feel good.”

Idinagdag pa ni Toni na ang kanyang All Me album ay maraming dance tracks. Aniya pa, personal ang album na ito para sa kanya dahil close collaboration ang nangyari sa kanila ng Star Records para sa pag-produce ng pinakahuli niyang album.

Sa dami ng nangyari sa kanya sa paglipas ng panahon, aminado siyang nag-mature ng kaunti ang kanyang music.

“Nag-mature ng konti, depende kasi lagi yan but it’s always that my album is laging fit to my personality. It has matured, it has a little boldness.”

Kasama rin sa album niyang ito ang themesong ng blockbuster movie nila ni Piolo na Starting Over Again kaya magandang collection talaga ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …