Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, wala pang show dahil naging pasaway sa Maria Mercedes?

ni  Rommel Placente

PAGKATAPOS mamaalam sa ere ang seryeng Maria Mercedes na pinagbida-han ni Jessy Mendiola ay hindi pa siya binibigyan ng bagong show ng ABS-CBN 2.

Nalaman namin ang dahilan kung bakit. Ayon sa isang source, during the taping daw kasi ng nasabing serye ay naging pasaway itong si Jessy. Madalas daw itong late kung dumating sa kanilang set. At kapag wala raw ito sa mood ay sinisigawan ang ilan sa kanilang crew. Na naging dahilan daw kaya maagang tsinugi sa ere ang kanyang show.

Naging dahilan din daw kung bakit hanggang ngayon nga ay wala pa rin bagong show sa Kapamilya Network si Jessy.

Totoo nga kaya itong nakarating sa amin? Pakisagot nga Jessy?

Andrea, next Judy Ann Santos

AYON kay direk Gil Soriano, ang director ng orihinal na Annaliza na pinagbidahan noong 80’s ng namayapang aktres na si Julie Vega, ay si Andrea Brillantes, ang susunod daw na Judy Ann Santos.

Sa naging pahayag na ito ng nasabing director, flattered si Andrea.

“Natuwa po ako roon sa sinabi niya na ako ang susunod na Judy Ann Santos. At saka nagustuhan niya ‘yung pagka-remake namin sa ‘Annaliza’,” sabi ni Andrea.

Ang Annaliza ay magtatapos na ngayong araw. Mawala man ang serye ay masaya na rin ang batang aktres dahil unang serye pa lang niya ito  ay bida na agad siya plus umabot pa ng 10 buwan sa ere.

Sa pagtatapos ng Annaliza ay may kapalit agad na show ni Andrea. Ito ay ang Hawak Kamay na pagbibidahan nina Piolo Pascual at Iza Calzado. Makakasama rin dito  ang kapwa child stars ni Andrea na sina Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, at Yesha Camille na grand winner ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp last year.

Rayver, never nagselos sa bagong manliligaw ni Cristine

NAKARATING na kay Rayver Cruz na nililigawan ng basketball player na si Kevin Alas ng Gilas Pilipinas ang ex niyang si Cristine Reyes.

Pero wala raw siyang selos na nararamdaman. Kahit sino pa raw ang manligaw o may magustuhan mang iba si Cristine ay okey lang daw ‘yun sa kanya dahil wala na naman silang relasyon at magkaibigan na lang sila ni Cristine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …