ni Art T. Tapalla
SANA nga magkatuluyang maging mag-asawa sina Angel Locsin at Luis Manzano, para sa lalong kasiyahan ng kanilang ‘sangrekwang tagahanga.Gaya ng nakaugaliang doktrinang ‘love is lovelier, the second time around’, tila angkop sa panganay nina Eduardo Manzano at Rosa Vilma Santos-Recto at Angel Locsin, ang kanilang pagkabalikan, matapos ang sinadya o pinag-adyang paghihiwalay.
True, marami ang nalungkot nang biglang umalagwa ang kanilang relasyon at kahit pilit ang excitement ng mga fans sa maikling relasyon ni Angel kay Phil Younghusband, ganoon din si Luis sa dalagang inang si Jennylyn Mercado, marami pa rin ang umasam sa pagbabalikan ng dalawa.
At heto nga, bago ang Kapaskuhan, nabigla at ‘di naman nagulantang ang mga Vilmanians sa pahayag ni Luis na muli siyang sinagot ng paboritong anak ni Tatay Angel Colmenares.
Presto, biglang bumilis ang mga pangyayari nang mga balitang maghahain na ng kanyang engagement ang binata bago magtapos ang 2014 at nakabili na raw ang mahusay na TV host/actor, ng kanyang engagement ring para sa kanyang nililiyag.
Susme, nagkagulo na ang mga Vilmanians mula GenSan hanggang Batanes nang sabihin ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na “kung anuman ang maging desisyon nilang dalawa ay nakasuporta tayo. At hangad ko lagi ang kaligayahan ng aking anak sa piling ng kanyang minamahal,” more or less na pahayag ng Star for All Seasons.
Well, well, well, sana nga matuloy na ang planong pagpapakasal nina Luis at Angel.
Alam ko, gustung-gusto nang magka-apo ni Baby Vi (peram Kuya Gil V.) sa kanyang panganay.
Isa pa, bilang senior citizen, I think Gov. Vilma deserves to be tagged the most beautiful lola this side of Hollywood.
SHOWBIZ POLICE, RELEVANT SHOWBIZ TALK SHOW!
Binabati natin ang mga bumubuo ng showbiz oriented TV talk show, Showbiz Police sa kanilang pagwawaging Best Showbiz Oriented Talk Show, kaloob ng Gawad Tanglaw, kamakailan.
Oo naman. Wala namang kakaiba sa nasabing talk show kumpara sa mga de-kahon nang programa na inilalako ng dalawang higanteng network.
Ang kaibahan ng Showbiz Police ay ang paglalahad nila ng mga sariwang kaganapan sa lokal showbiz dahil daily silang umi-ere (Lunes-Biyernes, 4:00 ng hapon).
Siyempre pa, ang inaabangan ng manonood ang namumukod-tanging hosting ni Cristinelli Salazar Fermin sa kanyang “Cornered by Cristy” segment.
Huli kong natiyempuhan nang si Tina Paner ang naka-one-on-one ni Cristinelli sa kanyang segment, dahil umaapaw ng compassion ang nasabing host habang kausap ang kanyang subject.
Napaka-relevant ng pagkakasali bilang co-host ni direk Jose Javier Reyes, dahil bukod sa kanyang pagiging showbiz authority, ika nga, meron siyang kanyang-kanyang husay bilang host.
Hindi ko lang ma-take minsan ang parang pag-inarte ni Shalala kapag siya na ang nakasalang.
The rest of the team, okay lang sila sa itinoka sa kanilang asignatura.
Keep up the good job! Congrats!
WELCOME HOME TINA PANER!
Nabanggit na rin si Tina Paner, hayyyy… nakaramdam ako ng ‘kurot’, nang ungkatin sa usapan nila ni CSF ang tungkol sa pagiging ampon ng mahusay na singer, ng dating Apat na Sikat.
FYI: tayo po ang naglabas noon sa ‘ampon issue’ ni Tina sa revived Bulaklak magazine, circa 1989.
Actually, bago pa tayo napasok sa showbiz, alam ko nang ampon lang si Tina (anak ng kapatid ni Daisy sa Tablas, Romblon) ng mag-asawang Daisy Romualdez at Manny Paner, na kung tutuusin, tinaguriang ‘loudest whisper’ ang nasabing kwento sa loob ng showbiz.
Tanda ko, naging 7th Top Story ang nasabing isyu sa Eye-to-Eye ni Inday Badiday sa GMA-7 ang aming expose nu’ng taong ‘yon.
Kasama ko noon si Kuya Gil Evangelista Villasana, bilang editor-in-chief, at ako ang kanyang katulong na patugot, nang pahawakan sa amin ng Pamilya Ravelo ang muling pagbuhay sa Bulaklak at Teenworld mags (back-to-back).
Tanda ko, sa Remedios building pa ang aming press work, (hindi pa computerized), kasama namin ang working force ng Mariposa Publications ni Cristinelli.
Sabi nga, kasaysayan na yon.
Pagkatapso ng isyung ‘yon, bigla kong nakita si Tina Paner, na nagtayo ng isang tindahan sa likod ng Republic Biscuits sa General Luis, Caloocan.
Hanggang namulatawan kong nag-migrate na siya sa Barcelona, Spain.
Nalaman ko ring siya ang humawak sa mga variety shows roon at nabigyan niya ng mga ‘raket’ang maraming lokal talents mula sa Pinas.
Nagulat ako kung bakit biglang bumalik sa bansa si Tina Paner, ang orig na singer ngUnang Halik, na isa nang klasikong OPM.
Welcome home, Tina. God luck!
International Theatre
Personality in Philippine World Theatre celebration!
In line with the World Theatre week celebration, Ibrahim Assiry, Director-General of the Saudi-Arabia-ITI (International Theatre Institute) will deliver Theatre Message on March 22 at 4:00p.m., coinciding with the final performance of PhilStagers’ “Bonifacio, the Musical”, directed by Atty. Vince Tañada in Adamson University, San Marcelino, Manila.
A special presentation by the Philippine Centre of the ITI-UNESCO EarthSavers Dreams Ensemble, recipient of UN Artists for Peace, is incorporated with the celebration.
Director General Ibrahim Assiry is also scheduled to deliver the World Theatre Message in Mindanao State University, Marawi City for the Siniing Kambayoka.