Tuesday , December 24 2024

5th Golden Screen TV Awards, ngayong gabi na sa Teatrino

ni  Maricris Valdez Nicasio

PARARANGALAN ng Entertainment Press Society ang mga natatanging personalidad at mga programa sa TV industry sa pamamagitan ng 5th Golden Screen TV Awards na gaganapin ngayong gabi, March 21, sa Teatrino Greenhills.

Ang Golden Screen Awards ay sponsored ng Nucerity International for Skincerity, Pomepure 100%Pomegranate Juice, Organique Acai, Hollywood 24-Hour Miracle Diet Juice and Hollywood Cookie Diet.

Kabilang sa mga guest performer ang K-Pop group na Down To Mars (na binubuo nina Jang Amparma, Kenji Chua, Daisuke Hagihara, Jeongwon Song, at Yheen Valero), Abby Asistio, Allan K, at ang grupong MP5 (na binubuo nina Raven Pabico, Jaylord Casino, Roehl Mendoza, Derik Lim, and Bonz Militar.

Inaasahan na magiging matindi ang labanan sa major acting categories.

Contenders sa Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series sina Alden Richards (Mundo Mo’y Akin), Bong Revilla (Indio), Coco Martin (Juan dela Cruz), Dennis Trillo (My Husband’s Lover), Dingdong Dantes (Pahiram ng Sandali), John Lloyd Cruz (A Beautiful Affair), Rocco Nacino (Bayan Ko), at Tom Rodriguez (My Husband’s Lover).

Magkakalaban naman sa OutstandingPerformance by an Actress in a Drama Series sina Bea Alonzo (A Beautiful Affair), Carla Abellana (My Husband’s Lover), Gina Alajar (Hiram na Puso), Jodi Sta. Maria (Be Careful with My Heart), Kim Chiu (Ina, Kapatid, Anak), Lorna Tolentino (Pahiram ng Sandali), Maja Salvador (Ina, Kapatid, Anak), Marian Rivera (Temptation of Wife), at Ritz Azul (Misibis Bay).

Magkakatunggali sa kategoryang Breakthrough Performance by an Actor trophy sina Jeric Gonzales, Jerome Ponce, Mikoy Morales, Ruru Madrid, at Vin Abrenica. Magtatagisan naman ng husay sa OutstandingBreakthrough Performance by an Actress sina Angeline Quinto, Janelle Salvador, Julia Klarisse Base, Lara Claire Sabroso, Sophie Albert, at Thea Tolentino.

For Outstanding Performance by an Actor in a Single Drama/Telemovie Program, ang mga nominado ay sina Carlo Aquino, Edgar Allan Guzman, Gabby Eigenmann, Joem Bascon, Junjun Quintana, Neil Ryan Sese, Rocco Nacino, at Sid Lucero. For Outstanding Performance by an Actress in a Single Drama/Telemovie Program, ang mga finalist ay sina Agot Isidro, Jean Garcia, Lorna Tolentino, Iza Calzado, and Julia Clarete.

Ang mga Special awardee naman ay sina Master Showman German Moreno na gagawaran ng Dolphy Lifetime Achievement Award, si Quezon City Mayor Herbert Bautista naman ang napili para bigyan ng Helen Vela Lifetime Achievement Award for Comedy, and the Tulfo brothers na sina Erwin, Raffy, at Ben ang makatatangap ng Helen Vela Lifetime Achievement Award for News Broadcast.

Si Ryzza Mae Dizon, na tinaguriang Aling Maliit ng noontime na Eat Bulaga, ay makatatanggap din ng Special Award bilang Youngest TV host on Philippine TV.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *