ni Alex Brosas
TRUE ba ang nasulat na ipatatawag daw ng executives ng Siete sina Heart Evangelista and Carla Abellana dahil pinagtutulungan nila si Marian Rivera?
Nakarating na raw sa kinauukulan ang pang-aapi nina Heart at Carla sa reyna ng Siete kaya naman mega-action kaagad ito.
Nakatatawa lang dahil ang tatatanda na nila pero tila mayroong nagsusumbong sa execuitves ng Siete about the issue.
Parang naloloka raw ang kampo ni Marian dahil kung ano-ano raw ang pinag-uusapan nina Carla at Heart. Pinatututsadahan daw ang dyowa ni Dingdong Dantes.
Helllooooooo!
Bakit ba parang takot na takot ang kampo ni Marian na pinag-uusapan siya sa social media? Akala ko ba ay deadma siya sa anything nega?