Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 drug den big boss tiklo sa raid (15 iba pa nalambat)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang tatlong hinihinalang big boss ng drug den gayundin ang 15 iba pa sa anti-drug operations ng pulisya at PDEA sa pakikipagtulungan ng Philippine Airforce sa Olongapo City.

Kinilala ni Supt. Frankie Candelario ng PRO3 Anti-Illegal Drug Task Group ang mga suspek na sina Daniel Gregorio alyas Baliw, Erwin Diva, alyas Alex Santos, at Richard Formento, alyas Richard, pawang mga residente ng Purok 1, ng Brgy. Sta. Rita.

Dinampot din ang 15 katao na naaktuhan sa pagsalakay na pawang nakompiskahan ng marijuana bricks, shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.

Ayon sa mga awtoridad, ang pagsalakay sa drug den nina Gregorio, Diva, at Formento ay batay sa mga reklamo ng mga residente sa lugar.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …