Tuesday , December 24 2024

Vince Tañada, mas inspiradong gumawa ng pelikula (Mula nang nanalo sa 30th Star Awards for Movies)

ni  Nonie V. Nicasio

MAGSISILBING challenge para kay Direk Vince Tañada ang kanyang kauna-unahang acting award sa pelikula na kanyang natanggap recently sa 30th Star Awards for Movies. Pinarangalan dito ang kilala at award winning na stage actor/director bilang New Movie Actor of The Year para sa kanyang debut film na Otso na pinamahalaan ni Direk Elwood Perez.

“An award is a validation of your talent, so dapat malagpasan ng performance ko sa Esoterica Manila ang nagawa ko sa Otso. This is actually a sweet challenge,” saad ng versatile na performer.

Nabanggit din ni Direk Vince na kahit nanalo siya ng acting award sa pelikula, una pa rin sa listahan niya ang teatro.

“Of course nasa teatro pa rin ang puso ko. Hindi ko puwedeng i-prioritize ang movies kaysa teatro because maraming umaasa sa akin na mga batang mandudula, sa aking guidance and support. I am the founder of Phil. Stagers at naging successful ito dahil hands-on ako sa pag-train at pag-market nito. Kaya ‘di ko ito puwedeng iwan.”

Bago nanalo ng award, nagdesisyon si Direk Vince na ang second movie niyang Esoterica Manila na ang huling pelikulang gagawin niya. Pero dahil nga sa magandang takbo ng kanyang movie career, ang naunang desisyong ito ni Direk Vince na iwan na ang movies at mag-concentrate na lang sa teatro na first love niya talaga, ay nagbago.

“My award has inspired me to go on doing movie projects. Iyon nga lang, siguro I’ll have to choose the right projects, ’yung may katuturan talaga ang story at ang role ko.”

Si Vince na isa ring abogado at professor, ay mapapanood na very soon isa na namang obra ni Direk Elwood. Ang tema ng pelikula ay may pagka-LGBT (Lesbian Gay Bisexual Transgender) at gumanap dito si Vince bilang isang social climber.

Ito bale ang launching movie ng singer na si Ronnie Liang. Kabilang din sa cast nito sina Boots Anson Roa, Snooky Serna, Lance Raymundo, John Hall, Carlos Celdran, at iba pa.

Patapos na (or katatapos lang?) ang play ng PSF (Philippine Stagers Foundation) na pinamagatang Bonifacio, Isang Zarsuela at dapat namang abangan sa kanila ang Pedro Calungsod, The Musical. Pero ang isa pang inaabangan ko ay ang muling pagpapalabas ng Ang Bangkay na ayon kay Direk Vince ay once a year lang ipinalalabas bilang paggunita sa pagkakapanalo niya rito ng first prize sa Palanca Award. Kuwento sa akin ni Direk Vince, ipalalabas niya ulit ito sa June o July yata.

“It’s a bold play, a story of incest, between father and daughter. The family is engaged in the embalming business and the end is tragic. Interestingly, the play has no moral retribution or redeeming factor. Puro murahan. but malalim ang meaning ng istorya. My objective was to show that in order to see the good, you should see evil first,” kuwento pa ni Atty. Vince.

Tambalang Julia at Enrique, masusubukan sa Mira Bella

Ang Mira Bella ang unang pagtatambal nina Julia Barretto atEnrique Gil at dito raw ipakikita ng dalawang Kapamilya stars na ito ang tunay na kahulugan ng kagandahan at pag-ibig. Mapapanood ito sa primetime sa darating na Lunes , Marso 24.

Iikot ang istorya ng Mira Bella sa buhay ni Mira (Julia), ang dalagitang nagmana ng sumpa na pagkakaroon ng balat na tulad ng isang kahoy. Sa kabila ng panghuhusga at pang-aalipusta sa kanya ng karamihan, naniniwala pa rin si Mira sa likas na kabutihan ng tao dahil sa ipinadarama sa kanyang pagmamahal ng mga umampon sa kanya na sina Osang (Pokwang) at Paeng (John ‘Sweet’ Lapus).

This early, marami na ang excited sa Mira Bella dahil hinuhulaang si Julia ang magiging next hottest young star sa Dos. Kasama rin sa cast ng Mira Bella sinaSam Concepcion, Mylene Dizon, James Blanco, Liza Diño, DJ Durano, Mika dela Cruz, Arlene Muhlach, Alora Sasam, Dimples Romana, at Gloria Diaz. Ito’y mula sa direksyon nina Erick Salud, Jojo Saguin, at Jerome Pobocan.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *