PINANGUNAHAN ng University of the Philippines ang kabuuang 1,174 aspiring lawyers na nakapasa sa ginanap na 2013 Bar Examinations.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Arturo Brion, nakuha ni Nielson G. Pangan ang gradong 85.8 percent.
Ayon sa Bar chairperson, mayroong kabuuang 22.18 percent ng examinees ang nakapasa sa nakaraang pasulit.
Itinakda ng SC ang oathtaking ng mga nakapasa sa Abril 28, 2014 sa Philipine International Convention Center sa Pasay City.
Kabilang din sa Top 10 sina 2nd Place Oyales, Mark Xavier D. 85.45% (University of the Philippines), at Wilwayco, Dianna Louise R. 85.45% ( Ateneo de Manila University); 3rd Place Ortea, Rudy V. 84.20% (University of Batangas); 4th Place Mopi, Eden Catherine B. 84.05% (University of the Philippines); 5th Place Mercado-Gephart, Tercel Maria G. 83.90% (University of San Carlos); 6th Place Sarausad, Manuel Elijah J. 83.80% (University of Cebu); 7th Place Suyat, Katrine Paula V. 83.75% (San Beda College – Manila); 8th Place Tiu, Jr., Michael T. 83.70% (University of the Philippines); 9th Place Fulgueras, Marjorie Ivory S. 83.65% (Ateneo de Manila University); at 10th Place Arnesto, Cyril G. 83.60% (University of the Philippines).
Samantala, kabilang ang apo ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa 1,174 examinees na pumasa sa 2013 Bar exams.
Si Ferdinand Richard Michael Manotoc, anak nina Ilocos Norte Governor Imee Marcos at former basketball coach Tommy Manotoc, ay pumasa sa Bar sa una niyang pagsabak sa pagsusulit.
Siya ay nagtapos sa University of the Philippines.
Mismong si Marcos ay abogado rin at nagtapos sa UP College of Law.