Tuesday , December 24 2024

Teleserye ni Kim Rodriguez, titigbakin na (Kaysa malugi nang tuluyan!)

ni  Peter Ledesma

DA HEIGHT, ipinaretoke na nga’t lahat-lahat ng GMA 7 ang talent nilang si Kim Rodriguez para pagbidahin sa “Paraiso Ko’y Ikaw” kasama ang hunky pa naman na dating na si Kristoper Martin, pero waley (wala) pa rin nangyari dahil hanggang ngayon ay hindi makaangat ang rating sa katapat na show sa ABS-CBN.

So, kaysa malugi nga naman ay nagdesisyon na ang Kapuso na tigbakin na ngayong buwan ang serye ni Kim na nagpakita pa naman ng konting skin o cleavage ang morenang young actress.

Naku! Mukhang inaalat talaga ngayong 2014 ang GMA dahil halos lahat ng shows nila ay tinatalo ng Kapamilya network. ‘Yung Kambal Sirena nila na pinagbibidahan ng dating starlet na si Louise delos Reyes hayun, inilampaso at inilunod nang tuluyan ng Dyesebel ni Anne Curtis sa ratings game. Yes sa pilot episode ng Dyesebel last Monday ay nagtala ng 32.8% ratings samantala ang Kambal Sirena ay lost na lost sa kanilang rating na 17.2% lang. Siguro dapat ay palitan na talaga ng nasabing TV network ang ilang mga tao nila diyan sa Corporate Communications, na naturingang humahawak ng PR ng kanilang mga programa pero deadma naman sa hindi nilang paboritong press. Nadadamay tuloy ang kanilang mga artista sa kanegahang pinagagawa nila.

Period at isa pang period at walang comma gyud!

Benefit show para sa Entertainment Press, at iba pang media gagawin ni Token Lizares this year

Tulad ng itinanghal na PMPC’s Darling of The Press, this year na si Sir Jerry Yap, hangad rin ng Charity Diva na si Token Lizares na after niyang tumulong sa maraming foundation sa iba’t ibang lugar this time, ay gumawa naman siya ng isang benefit show para sa Entertainment press at iba pang media people na alam niyang kakaparinggot lang ang kita sa kanilang pagsusulat at pamamahayag. Saka, marami na rin nababalitaan si Token na mga nagkakasakit na reporter na dahil walang ipon ay ‘di kayang magpa-ospital at wala rin pambili o pang-sustain sa medication. So whatever amount na malilikom sa pinaplanong gagawing show para sa press, alam ni Token na hindi man ito sapat ay marami pa rin siyang matutulungan. Sigurado naman maraming artista ang papayag na mag-perform nang libre dahil para nga ito sa mga supporter nila from the press. Samantala ilang tulugan na lang ay mapapanood na ang isa pang Charity show ni Token titled “My Token of Love.” So far maganda ang sales ng tickets at lahat ng kikitain ng concert ay mapupunta sa repair ng Family Home na pinapatakbo ng Holy Family Home Bacolod Foundation. Makakasama nga pala ng tinaguriang Charity Diva, sa kanyang nasabing concert na gaganapin sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan City sina Kuya Germs at Richard Poon. Part rin ng show ang ilan sa magagaling nating local artist tulad nina Michael Pangilinan at Prima Diva Billy. Magbibigay aliw sa crowd ang mga kilalang Gay Stand-up Comedian na sina Lee Chaz, Aj Tamiza at Niza Limjap at kasama rin ang movie writer na si Alex Datu. Sa mga nais mag-inquire at bumili ng ticket, puwede kayong tumawag sa Ticketworld sa 891-9999. At next month, April 14 ay magdaraos naman si Token ng Concert for A Cause na gaganapin sa loob ng simbahan ng The San Juan Nepomuceno Church sa Sumag Bacolod City, Negros Occidental. Bale magsisilbing Holy Week Presentation ang show, na majority ng mga kakantahin ni Token ay inspirational songs na galing sa kanyang Inspirational CD Album na “A Token of Love.” Masaya ang palangga naming Diva dahil personal siyang papanoorin ng kaibigang Parish Priest na si Father Anecito Mao Buenafe. Siyempre ang kikitain ng show ay mapupunta lahat para sa pagpapaayos ng mismong simbahang malapit sa puso ni Token.

Beautiful inside and out gyud!

Kalahating Milyong Piso, Ang Nag-Aantay Para  Sa Magwawagi Sa Sayawan Showdown Sa Junior Pinoy Henyo

Isang grandiosang event ang mapapanood sa Eat Bulaga ngayong Sabado sa Resorts World Manila. Yes, mangyayari na ang pinakaantay na “Sayawan Showdown” ng Junior Pinoy Henyo Grand finalists na mula sa iba’t ibang School at parte ng Pilipinas. Tatlo sa maraming pasok sa grand finals, sa naghahanda na ngayon para humataw sa entablado ng Resorts World Manila ay ang University of the Assumption, San Fernando Pampanga at ang mga nag-tie kahapon na parehong magagaling sa sayawan na Toro Hills Elem School sa Quezon City kasama ng kanilang coach na si Lourdes Stopel at ang St. Joseph College of Olongapo Inc., ng Zambales with their best coach Ginalyn Villar. Ibinase ang pagkakapasok ng mga nabanggit sa kanilang mataas na score na nakuha sa Hataw moves na 60% at iba pang criteria for a total of 100%.

Sino kaya ang tatanghaling champion sa Sayawan at magwawaging Grand winner. Kung sino man ang dance group na ito ay napakasuwerte nila dahil tumataginting na kalahating milyong piso ang puwede nilang mapanalunan sa napakalaking dance showdown na sinalihan sa Junior Pinoy Henyo sa Eat Bulaga.

Nag-imbita ng mga sikat na celebrity ang Bulaga na bubuo sa panel of judges sa araw na ‘yun. Live silang mapapanood sa nabanggit na venue sa itaas.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *