IPINASUSUMITE ng Senado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) office ng actual report kaugnay ng nabulok na relief goods na dapat sana’y ipamimigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Bagama’t ayon kay Senate finance committee chairman Chiz Escudero, idinepensa ni Social Sec. Dinky Soliman na kakaunti lamang ang mga nabulok na relief goods na kanilang inilibing upang matiyak na hindi na makain at magdulot pa nang masama sa kalusugan ng mga residente.
“Well ayon sa kanila kakaunti lamang naman at kokonti lamang naman, kaysa makain o mapakain o magkamali pang mapadala sa kung saang lugar, maganda na ‘yung ginawa nilang binaon pero nagbabago pa yata ‘yung figures, from one sack naging four sacks of rice and Secretary Soliman committed to submit to us the actual date upon the questioning of Senator Binay,” ani Escudero.
Naniniwala si Escudero na may kakulangan sa panig ng pamahalaan kaugnay ng relief operations sa mga biktima ng kalamidad.
(LANI CUNANAN)