Thursday , November 14 2024

‘Recall’ vs Puerto Princesa mayor may bahid ng politika

ISANG ‘political storm’ lamang na kailangan malagpasan ang petition for recall na maagang isinampa ng mga kilalang lider ng nakaraang administrasyon laban sa kasalukuyang liderato ng Puerto Princesa.

Ito ang paniniwala ng mga negosyante at mga mamamayan ng Puerto Princesa makaraang iulat nina city tourism officer Aileen Amurao at PSSupt Mamerto Valencia ang tunay na sitwasyon sa lungsod kay Mayor Lucilo Bayron kahapon.

Batay sa record, ang 6% pagbaba ng tourist arrival sa lungsod noong nakaraang taon ay naitala sa first half ng taon sa ilalim ni dating Mayor Edward Hagedorn.

Paliwanag ni Amurao, pumalo ang tourist arrival sa huling bahagi ng taon noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan. Naitala rin, aniya, ang  tourist arrival para sa buwan ng Enero sa 66,438 kompara sa 61,092 ng nakaraang taon. Ang mga turistang bumibisita sa Underground River ay nagtala ng 7% pagtataas hanggang ngayong Marso.

Sinabi naman ni PSSupt Valencia, ang umano’y pagtaas ng kriminalidad ay bunga ng mga pagbabago sa pag-uulat ng Philippine National Police (PNP) na kinabibilangan ng mga hindi beripikado at hindi kompirmadong report sa barangay at police blotters na hindi isinama sa PNP reports noong mga nakalipas na taon.

”This recall initiation is a man made political storm not created by forces of nature but by forces of known allies of the past administration. We all know that the petitioner and all the personalities that filed the petition are close allies of the past leadership and they cannot fool the people that this recall was a people’s initiative. Clearly this recall is initiated by a single man, not by the people,” wika ni Mayor Bayron.

Desmayado rin ang mga empleyado ng lungsod na ilang dekada na sa  serbisyo sa pamomolitikang ito sa Puerto Princesa. Apela nila, tigilan na ang pagpapalabas ng mga mali at mapanlinlang na impormasyon dahil ang mga mamamayan lamang ng lungsod ang nagdurusa.

Ayon pa sa kanila, natatangap nila ang kanilang suweldo sa oras, may sapat na gamot para sa mahihirap, nabibigyan ng scholarship ang mga maralitang mag-aaral, at maging ang paghahatid ng basic services ay mabilis.

Hinamon din nila ang mga petitioner na maghanda ng paliwanag sa iba’t ibang iregularidad na iniulat ng Commission on Audit, kabilang ang mga nawawalang electric vehicles at government funds, ang kuwestiyonableng paggamit ng mga tseke at ang problemang kinakaharap sa privatization ng public market, slaughterhouse at central terminal sa ilalim ng administrasyon ni Hagedorn.

Ayon sa isang finance employee, ang petisyon ay naglalayon lamang pagtakpan ang isyu ng ‘extravagant and irresponsible disbursement of public funds.’

Ang petition for recall ay iniharap kahapon ng mga kapanalig ni Hagedorn, kabilang sina Al Ruben Goh, City Information Officer ng dating alkalde; Ali Babao (tatlong beses na natalo sa kanyang  election bid – dalawang beses bilang board member at isa bilang  city councilor), mister ng dating executive assistant IV ni Hagedorm na si Conchita Babao; Mary Ann Vasquez, dating executive assistant I; at Joey Mirasol, na siya rin nagpasimuno sa ‘recall’ laban kay dating Gov. Baham Mitra noong 2012. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *