Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manyak na driver arestado sa holdap

KASONG robbery at acts of lasciviousness ang kinakaharap ng jeepney driver  na nangholdap at nanghipo sa dibdib ng 20-anyos  service crew, sa Las Piñas City, kamakailan.

Nasakote ng mga tauhan ng Las Piñas police ang suspek na si Ryan Elaida, 29, ng Blk. 11, Lot 14, Admiral St., Saint Louie Village, Brgy. Ta-lon 4.

Kinilala ang suspek sa pamamagitan ng closed circuit television (CCTV) ca-mera na nakahagip sa kanya nang ihatid ang biktima malapit sa kanyang bahay sa 29 Taurus St., Pamplona 2.

Sa report na natanggap ni Las Piñas police chief, Sr. Supt. Adolfo Samala, sumakay ang biktimang si Sylvia, ‘di tunay na pangalan, sa minamanehong jeep ng suspek mula sa pinapasukang resto bar at naupo sa tabi ng driver’s seat.

Habang binabagtas ang Zapote-Alabang, biglang ipi-narada ng suspek sa madilim na bahagi ng Southland ang jeepney at nagdeklara ng holdap.

Nanlaban at sumigaw ang biktima pero maagap ang suspek at agad binu-salan ang kanyang bibig at hinataw ng coin box sa ulo saka kinuha ang lahat ng kanyang personal na gamit.

Hindi pa nasiyahan, pinaghihipuan pa ni Elaida sa dibdib ang dalaga, bago kinombinsi na ihahatid siya malapit sa kanyang bahay.

Kinabukasan, tinawagan ang biktima ng suspek at sinabing magkita sila.

Pumayag ang dalaga pero ipinadakip na sa awtoridad ni Elaida.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …