ni Alex Datu
Mismong si Andi Eigenmann na kasama sa soap ang umaming gusto niyang maging Dyesebel pero masaya siya kay Anne Curtis dahil dito napunta ang role.
Para sa kanya, isang magandang pagkakataon lalo pa’t makakasama nito ang magagaling na mga artista na sina Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, Angel Aquino, at Cherry Pie Picache. Malaki rin ang suporta rito nina Gina Pareno, Albert Martinez, Gabby Concepcion, Eula Valdez, at Ai-Ai delas Alas.
Gagampanan ni Andi ang role ni Carol Varga, the original and foremost villain actress in showbiz-ever had na isa sa magpapahirap sa bidang sirena.