Tuesday , December 24 2024

Akyat-bahay utas sa boga

PATAY ang isang miyembro ng “Akyat-bahay Gang”  nang barilin ng may-ari ng bahay na kanilang pagnanakawan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Dead on the spot ang suspek na inilarawang nasa edad 25 hanggng 30, may taas na 5’3 to 5’4 , nakasuot ng itim na t-shirt at pantalon, may tama ng bala ng baril sa ulo.

Tatakas ang ikalawang suspek na inilarawang nasa edad 28-30, 5’4 to 5’5, naka-puting t-shirt at maong pantaloon.

Kinilala ang tangkang pagnakawan na si Antonio Roa, 37, binata, driver, ng 765 Ampil Street, Gagalangin, Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 4:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa ikaapat na palapag ng bahay ng biktima

Nabatid na mahimbing natutulog ang biktima sa ground floor ng kanilang bahay nang maalarma siya dahil sa pagtunog ng sliding door kaya tumayo siya  mula sa higaan.

Nang kanyang siyasatin ang ikaapat na palapag ng bahay, nakita niya ang dalawang lalaking balak magnakaw kaya’t kinuha ni Roa ang kanyang baril at kanyang tinarget sa ulo ang isa sa dalawang suspek sanhi ng kanyang kamatayan.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *