Monday , December 23 2024

Mike, napag-iiwanan na

ni  Letty G. Celi

ILANG years na rin sa poder ng GMA7 si Mike Tan. Halos totoy na totoy siya nang mag-start ang career sa network na produkto siya ng isang talent search show.

Since then, nakalabas siya sa iba’t ibang shows ng GMA7. Samantalang ang iba niyang kasabayan ay lumipat na sa ibang network. Pero hindi natukso si Mike sa anyaya ng iba na mag-over the bakod, lalo na nang dumating ang mga panahong bihira na siyang mapasama sa mga show ng GMA7.

Mas marami pang shows ang mga bagong artista, kaya may ilan siyang kasamahan ang umiba ng network. Hindi siya lumipat kahit na wala na siyang project maliban sa eksta or guesting sa ilang programa ng siete. Pero hindi niya akalain ng mapasama siya sa Basang Sisiw last year. ‘Di raw niya naisip na ‘yun ang simula ng mamatay-mabuhay niyang TV career.

Nagklik sa ere ang naturang serye na at dumami pa ang mga TV guesting niya. Ngayong 2014 kasama siya sa isang bagong serye. Ang ganda raw ng 2014 kay Mike dahil sa pagtitiwala ng mga big boss sa kanya. Naisip daw ng poging aktor na kung nainip siya sa tagal ng panahon niya sa GMA at naganyak na lumipat sa ibang network baka  lalong napag-iwanan ang kanyang career.

Andrea, kay Piolo naman masasabak ng acting

HUSTONG 11th birthday ng Tween Princess ng ABS-CBN na si Andrea Bustamante, ang Primetime Bida star ng isa sa top rated shows ng ABS-CBN, ang Annaliza na magwawakas sa ere after ng four seasons. Hustong 10 months ito na sinubaybayan natin at naaliw, nakisaya, nakiiyak sa escapade ni Andrea or also known as Annaliza.

Malungkot-masaya ang presscon na dinaluhan ng buong cast, writers, directors at ang mga nasa likod ng productions sa pangunguna ni Andrea. Dinaluhan din ito nina Denise Laurel, Kaye Abad, Carlo Aquino, Zanjoe Marudo, Direk Ruel Bayani, Pat Daza, Direk Gil Soriano, ang direktor ng orihinal na Annaliza at marami pang iba. Kitang-kita sa kilos at pagsasalita ni Andrea ang big future niya to become a big star paglaki niya. Ang ganda ng mukha niya, at higit sa lahat ang galing ng mga sagot niya sa mga movie press people.

Sa bawat tanong ay walang palya ang bagets sa pagsagot ng matino at may relevance sa itinatanong. Kagulat siya dahil parang matanda, alam agad ang isasagot. Grade 6 na sa pasukan si Andrea sa Ambassadors School for Children. Nalulungkot daw siya dahil ilang araw na lang sa ere angAnnaliza.

Mami-miss daw niya ang mga kasamahan sa programa lalo na si Tatay Zanjoe na nagkaroon sila ng magandang bonding with Bea Alonzo na girlfriend ni Tatay Zanjoe.

Miss din niya ang mga bagets na co-stars niya, ang mga gagawin sa harap ng kamera, ang mga staff at higit sa lahat ay si Direk Ruel na sobrang hanga kay Andrea sa talento nito sa akting. Kaya’t ‘di na nakapagtataka na maging Best Child Performer siya ng Star Awards for TV noong 2013.

Sabi nga ni Direk Ruel, hindi lang naman daw si Andrea ang magaling kundi lahat ng mga batang artista. Daig daw ang mga senior star, fresh & good memory, alisto at mabilis kumilos. Sa pagsasara raw ng taon, hindi naman daw maze-zero ang mga artista, dahil halos lahat sila ay may sasamahang bagong project.

Si Andrea ay mayroong nakahandang project entitled, Hawak Kamay with Piolo Pascual.

Pagtatapos ng Honesto, masakit sa dibdib

CRY ako, ‘di ko nakontrol ang tears ko sa pagtatapos ng Honesto. Sa ending pala ang mabibigat na eksena. Bakal ang puso mo kapag ‘di ka naiyak. Grabe ka Honesto!

Magaling ang lahat ng artista. Eh, dati ng magaling sina Joel Torre, Eddie Garcia, Janice de Belen, Noni Buencamino, pero papalakpak ka sa mga ipinamalas nilang galing sa pag-arte. Gusto ko ‘yung mother & son scene nina Gina Pareno & Joel, bigat sa dibdib, ‘yung eksena nina Honesto at Janice, ‘yung Honesto & Paulo Avelino, galing!

Lahat ng characters, may name o wala, sikat o hindi, bravo kayo, si Cristine Reyes, K na rin ang akting niya. Saludo kami sa inyo at sa mga bumubuo ng buong production at staff ng Honesto, napakahusay. May future rin si Kuya Elay (Joseph Marco).

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *