ni Roldan Castro
LUMALANGOY na at pinapainit nina Anne Curtis, Gerald Anderson, Andi Eigenmann, at Sam Milby ang gabi ng TV viewers sa pinakamalaking teleserye ng taon na Dyesebel.Sigurado si Anne na hindi maghe-hello ang kanyang boobey sa serye dahil safe na safe ito.
Kumusta naman ang chemistry nila ni Gerald na first time niyang makaka-partner? Professional naman daw at masarap katrabaho si Gerald. Excited din daw si Anne kung ano pa ang puwedeng maibigay nila ni Gerald.
Wala rin daw silang awkwardness ni Sam na magsama ulit kahit mag-ex sila.
Halaw sa obra maestra ng Hari ng Pinoy Komiks na si Mars Ravelo ang Dyesebel ng ABS-CBNna sesentro sa kuwento ng dalagang ipinanganak na sirena na si Dyesebel (Anne), ang bunga ng pagmamahalan ng babaeng si Lucia (Dawn Zulueta) at ng sireno na si Prinsipe Tino (Albert Martinez).
Bukod kina Anne, Gerald, Andi, at Sam, kukompleto sa powerhouse cast ng Dyesebel ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya ng showbiz na sina Gabby Concepcion, ZsaZsa Padilla, Gina Pareño, Eula Valdez, at AiAi delas Alas.
Bahagi rin ng Dyesebel sina Bangs Garcia, Ogie Diaz, Neil Coleta, David Chua, Young JV, Markki Stroem, Bodie Cruz, Nico Antonio, at Erin Ocampo. Sa ilalim ng direksiyon nina Don Cuaresma at Francis Pasion, ang Dyesebel ay ang pinakabagong TV masterpiece mula saDreamscape Entertainment Television.