Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alok-sex cum holdap uso sa Avenida

MAG-INGAT sa mga babaeng nag-aalok ng panandaliang aliw, baka kasamahan sila ng grupo ng mga holdaper.

Ito ang karanasan ng 24-anyos na publishing sales marketing officer,  nang matangayan ng iPhone at P4,000 cash, nang biktimahin ng mga holdaper kasama ang isang babae na nag-alok ng sex sa Sta Cruz, Maynila, iniulat kamakalawa.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Station 3 ang biktimang si Carlo Banayos, binata, ng 45 Luis Andrade St., Sauyo Compound, Caloocan City.

Naaresto ang isa sa mga suspek na si James Quinto, 20, ng Mauban St., Caloocan City.

Sa ulat ni P/ Supt Alrin Gran, hepe ng MPD-Station 3, dakong 9:00 ng gabi noong March 10 nang naganap ang insidente sa kanto ng Rizal Ave., at Doroteo Jose St., Sta Cruz.

Salaysay ni Banayos, nilapitan siya ng isang babae at inalok ng sex,hanggang paikutan siya ng apat na lalaki at sinabihang  irereklamo siya sa pang-aabuso sa una hanggang magdeklera ng holdap saka tinangay ang kanyang iPhone at P4,000 cash.

Makalipas ng isang araw, nagtungo ang biktima sa Isettan Mall at doon  nakita niya ang isa sa mga suspek na papasok ng comfort room kaya agad niyang ini-report sa guwardiyang si Al Azuela na nagresulta sa pagkaaresto kay Quinto.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …