HOY Deputy Commissioner for Enforcement Group (EG) Ariel Nepomuceno keep your ears and eyes wide open.
May nangyayari daw na secret negotiation diyan sa B0C X-Ray Inpsection Project (XIP) involving the “sale” of key posts to the highest bidder.
May nagsumbong sa atin na may isang nagpapakilalang “security officer” kuno ni Depcom Nepomuceno (hindi pa ibinigay ang true ID niya) na who is in the market for willing bidder for certain key posts.
By the way, nandiyan pa si CIP officer Palgar na binanatan sa kaso ng mga umano mga bata ng sinibak na NBI Deputy Director Rey Esmeralda (kumustahin na tuloy ang isang ahente na Bocaling alam niya ang background ng case)?
Marahil wala na, kawawang Palgar, siya ay na-set up at kuno ay natiklong tumatanggap ng pera mula sa isang stakeholder. Ang totoo may mga info din laban sa sinibak na Esmeralda na ngayon ay wala na sa NBI. Ipinasibak siya ni D0J Secretary De Lima.
To continue, ang nagbato sa atin ng information umano ay security daw ni Nepomuceno at nagre-recruit ng mga bagong tauhan ng XIP. Okay sana Mr. Nepo, pero ang balita namin may tag price na P70,000 to P100K sa bawat pwestong malaki. Ngayon kasi, may Return to Mother Unit (RMU) na memo.
Ito nga ay noo pa mang pagpasok nina Secretary Cesar Purisima. Pero valid pa. Sangayon nga sa info, P70K to P100K sa bagong recruit at P100K pag sinuwerten na ma-retain sa XIP.
Isa sa mga firt line of defense ang XIP, posibleng generics and description ng item na shoes, halimbawa, kahit pa ang mga expensive na Nike, Fila, posibleng lumabas ang ganitong pandaraya kapag may kontsabahan sina XIP agent at stakeholder. Depcom Nepo, tingnan mo ito.
By the way, ilang linggo na natin nabalitaan ang balasahan sa Enforcement Group na nasa ilalim ng jurisdiction ni Depcom Ariel. Bakit kaya? Totoo bang mga sacred cow diyan sa Enforcement and Secuerity Service (ESS)? Just asking. Naging subject ng iringan ng CIIS at ng ESS ang hindi pagbalasa ng ESS sa kabila ng pagtataka ng mga taga-CIIS. Ito palang X-RAY ay nasa ilalim na rin n EG.
Kunsabagay hindi basta-basta magagalaw ang mga bagong opisyales na itinalaga. Halimbawa na lang si DepCom Nepo, ang balita siya ay malakas sa isang presidential relative bukod sa pagiging member na influential religious sect. Pero kung competence at competence din lang ang pag-uusapan, ang credentials ni Depcom Nepo hindi matatawaran. Pero kailangan din ang ang magandang serbisyo lalo na sa traders.
Medyo hanga tayo sa ipinatutupad na reform sa Bureau. Kaya lang sige-sige ang pagbulusok ng revenue collection. Kaya marahil ang BIR hindi na alam kung ano or sino ang kukunin, para ang BIR tax ay lumapit man lamang sa revenue taret nito.
Ang B0C, ang layo ng collection sa target. Halimbawa, noon lang Pebrero umabot sa P3.2-billion ang shortfall. Marami ang hindi nagpaparating dahil daw sa pabago-bagong memo order. Tulad na lang daw ng isang item na ito.
Umabot na sa 400 percent ang itinaas. Katwiran ng mga trader, bakit pa tayo magtitiyaga sa ganitong kalakaran. Paggising mo kinabukasan mataas na naman ang buwis. Wala raw naman pakialam ang leradership ni Commissioner Sunny Sevilla, kapag nawala siya sa Bureau, okay lang sa kanya.
Arnold Atadero