ni Peter Ledesma
ANG edge ng Starting Over Again ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, hindi ito MMFF movie pero humataw talaga nang husto sa takilya.
As of presstime ay kumita na ang pelikula ng P400 million sa nationwide showing nito na nasa 4th week na at palabas pa rin sa ilang sinehan. Ang Starting Over again ang maituturing na best box office career para kina Piolo at Toni at sa director nila na si Olive Lamasan. Ito na ngayon ang Highest Grossing Filipino Movie sa International box-office. Totoo ka! Tinalo na ng nasabing movie ang lahat ng Filipino films na itinanghal noong mga nakaraang taon at ngayon na muling nagpasigla ng career ni Papa P. At siyempre malaking kredito ang ganda ng istorya nito at husay ng performance ni Toni at pagpayag ng actress na maging daring for the very first time. Wow na wow gyud!